News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN inilunsad ang "Spot the Scam" campaign laban sa online scams

October 10, 2024 AT 02 : 13 PM

Andrea, BINI, Kyle, Maymay, at Robi nagbabala ukol sa red flags sa social media
 
Inilunsad ng ABS-CBN ang “Spot the Scam” campaign tampok ang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Maymay Entrata, Robi Domingo, at ang grupong BINI, para labanan ang paglaganap ng scams sa social media. 
 
Layunin nitong maghatid ng impormasyon ukol sa iba’t ibang scam at magbigay ng mga praktipal na paraan kung paano makakaiwas ang publiko rito.
 
Nagbigay si Andrea ng mga halimbawa ng iba’t ibang pagpapanggap na ginagawa ng scammers online at mga paalala kung paano hindi maging biktima ng mga ito. 
 
May hatid ding paalala ang nation’s girl group, BINI, kung paano matitiyak na totoong tao ang mga nasa likod ng profiles online.
 
Nagbigay babala naman si Kyle sa pinsalang dala ng panonood ng mga palabas na pinirata, tulad ng virus at malware.
 
Samantala, inisa-isa nina Maymay at Robi ang mga paraan kung paano magsuri ng deepfake content, na gumagaya ng itsura at boses ng mga kilalang personalidad, tulad ng pagmasid sa galaw ng labi at iba pang kahina-hinalang detalye sa bidyo. 
 
Ipinapalabas ang mga paalalang pampubliko sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa YouTube.
 
Para sa karagdagang detalye, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE