News Releases

English | Tagalog

Ogie, Kim, Lassy, at MC, itinanghal bilang Magpasikat 2024 Champion

October 27, 2024 AT 05 : 33 PM

Wagi bilang Magpasikat 2024 grand champion ang team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, Lassy, at MC Muah matapos nilang maayos na maihatid ang mensahe nilang ‘tigil, pahinga, kalma’ at makuha ang pinakamataas na scores mula sa mga hurado noong Sabado (Oktubre 26).  

Hindi inaasahan ni Kim ang panalo at sinabing masaya na silang nagawa ng maayos ang kanilang performance lalo pa at marami silang hinarap na pagsubok. 

“Hindi namin inexpect kasi sabi namin hashtag acceptance bahala na basta nagawa namin yung prod namin. Malaking bonus na lang manalo,” sabi niya.

Ang first time naman manalo sa Magpasikat na si Ogie ay ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa kanyang grupo sa mga sakripisyo nito at masaya rin siyang nakuha ng viewers ang kanilang mensahe. 

“I’m just proud of all of them lalo na sa staff namin kasi binuhos talaga namin. We left it on the floor and let our works speak for ourselves. Masaya kami kapag nababasa namin ung comments na naintindihan nila yung gusto namin sabihin. More than anything else yung makuha nila yung message namin na ‘tigil, kalma, pahinga’ eh napaka-importante talaga,” pagbabahagi niya.

Bukod sa kanilang mensahe,  kinabiliban ng publiko ang trapeze stunt ni Kim, ang pag-piano ni Ogie sa revolving platform at ang kauna-unahang paggawa ng stunts nina MC at Lassy. Nanalo sila ng ₱300,000 na kanilang ibibigay sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa pamamagitan ng Angat Buhay foundation. 

Inuwi naman ng team nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez ang second place matapos nila bigyang importansya ang mental health at nakakuha sila ng ₱200,000 para sa kanilang chosen charity. Nakuha naman ng team nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz ang third place at nanalo sila ng ₱100,000 nang ipinagdiwang nila ang anibersaryo ng show sa pagsariwa ng core memories nila sa nakalipas na labinlimang taon. Samantala, ang team nina Vice Ganda, Karylle Tatlonghari-Yuzon, at Ryan Bang na ibinida ang pag-asa sa kanilang performance at ang team nina Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto, at Amy Perez na hinikakayat ang madlang people na patuloy na gumawa ng mabuti ay parehas na nanalo ng P50,000 para sa kanilang chosen charities.   

Nagsilbing naman bilang mga hurado na kumilatis sa performances ng "Magpasikat 2024" ang television at film director na si Rory Quintos, beauty queen at aktres na si Alice Dixson, Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan, Kapuso actress na si  Gabbi Garcia, at former ABS-CBN president at Pilipinas Got Talent judge Freddie M. Garcia.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang hosts sa bosses ng ABS-CBN at GMA at ibinahagi nila ang kanilang mensahe para sa kanilang 15th anniversary bago ang announcement. 

Lubos naman na tinutukan ang nasabing anunsyo ng Magpasikat 2024 kaya naman trending worldwide ang hashtag nitong #ItsShowtimeKinseyyy at nakalikom sila ng 369,498 peak concurrent views. 

Huwag palampasin ang “It’s Showtime,” 12:00PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV. Tutukan din ang online show ng programa na "Showtime Online U” sa YouTube channel ng  It's Showtime.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr on Facebook, X, TikTok at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.