News Releases

English | Tagalog

"Joy To The World" remake ng BINI, inilabas na

November 15, 2024 AT 03 : 57 PM

Winner ng MTV EMAs Best Asia Act may back-to-back Christmas offering
 
Hatid ng nation’s girl group BINI ang magiliw na musika ngayong Kapaskuhan sa paglulunsad ng kanilang bersyon ng “Joy To The World.”   
 
Inilabas ito ng BINI kasama ng paglulunsad ng “Cherry On Top” Christmas remix noong Huwebes (Nob. 14). 
 
Napapanood na rin ang animated official video ng “Joy To The World” sa BINI Official YouTube channel. 
 
Tampok dito ang makulay na mga tradisyon ng mga Pilipino tuwing Pasko tulad ng pagdiriwang ng Noche Buena, pagsasabit ng mga parol, at iba pa. 
 
May additional lyrics at musika sina Christopher James Moore Lopez o Moophs at vocal coach ng BINI na si Anna Achacoso-Graham sa reimagined version ng “Joy To The World.” Si Isaac Watts ang sumulat ng original version nito taong 1719. 
 
Nagsisilbing patikim ang bagong handog ng BINI sa inaabangang three-day concert nila na “Grand BINIverse” na gaganapin na sa Nob. 16-18 sa Araneta Coliseum. 
 
Sinusundan naman nito ang latest milestone na tinanggap ng grupo bilang "Best Asia Act" sa 2024 MTV Europe Music Awards (EMA).
 
Napapakinggan na ang “Joy To The World” remake ng BINI sa iba’t ibang digital streaming platforms. Sundan ang BINI_ph sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.
 
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookX (Twitter)InstagramTikTok, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE