Kathryn at Alden, nagpasalamat sa tagumpay ng pelikula; tutulong sa mga biktima ng bagyo
Patuloy ang box-office success ng “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Gumawa ito ng panibagong box-office record matapos kumita ng P131 milyon sa loob ng isang araw noong Sabado (Nob. 16). Sa kabuuan, kumita na ng P566 milyon sa takilya sa loob ng anim na araw.
“We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin parang wala na kaming mahihiling pa,” saad ni Kathryn.
“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula. No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito,” dagdag ni Alden.
Bahagi ng kita ng pelikula ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Pepito. Samantala, nakatakda naman dumalo sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival kung saan magsisilbing closing film ang “Hello, Love, Again.”
Gumawa rin ito ng kasaysayan matapos tumabo ng P85 milyon sa unang araw ng pagpapalabas nito.
Nakapagtala naman ang unang kolaborasyon ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ng bagong record. Kumita ito ng $2.4 milyon sa takilya at umarangkada sa ika-walong pwesto sa US box-office top 10.
Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang romantic drama film ay napapanood sa mahigit 1,000 cinemas sa buong mundo kasama ang US, Canada, Europe, Australia, New Zealand, Guam, at Saipan. Magkakaroon din ito ng screenings sa Singapore, Malaysia, the Middle East, Cambodia, Hong Kong, at Macau ngayong Nobyembre.
Saksihan ang pagpapatuloy ng kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa “Hello, Love, Again” na napapanood sa mahigit 1,000 na sinehan. Para sa detalye, i-follow ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.