Over thousands of Kapamilyas gathered for a day filled with joyous celebrations of love and gratitude as ABS-CBN continued its nationwide "Bida Kapamilya" event in Bataan last November 22 (Friday)
Sa ginanap na "Bida Kapamilya" sa Bataan nitong Biyernes
Libo-libong Kapamilya ang dumagsa sa "Bida Kapamilya" sa Bataan nitong Biyernes (Nobyembre 22), hatid ang mga masasayang sorpresa mula sa kinagigiliwang "PBB Gen 11" Housemates.
Bumida sa okasyon ang hatid na performances ng Big Winner na si Fyang pati ang kapwa Big 4 Housemates na sina Rain, Kolette, at Kai.
Hindi naman nagpahuli sa pagpapasaya sa libo-libong Bataañeno sina JM, Jas, Jarren, Binsoy, Dylan, Dingdong, Patrick, JP, at Marc. Nakisaya rin sina DJ JhaiHo, Ralph Malibunas, Eris Aragoza, at "Zoomers" lead star Criza Taa.
Pinamalas din ng ilang fans ang kanilang pakikipag-bayanihan sa ibang Kapamilya nang maghatid ng libreng sakay para sa mga pumunta sa event bilang pagapakita ng suporta sa minamahal na Kapamilya stars.
Layunin ng nationwide "Bida Kapamilya" event na mapalapit ang kinagigiliwang Kapamilya shows at stars sa mga Pilipino saan mang sulok ng bansa, bilang pasasalamat sa kanilang taos-pusong pagmamahal at suporta.
Abangan ang susunod na "Bida Kapamilya" event, tampok ang stars ng primetime serye na "Lavender Fields," "PBB Gen 11" Housemates at iba pa ngayong December 7 (Sabado) sa Taguig City. Antabayanan ang mga susunod nitong anunsyo sa official Facebook, X, at Instagram accounts ng ABS-CBN.
Huwag naman palampasin ang bawat episode ng mga programa ng "FPJ's Batang Quiapo," "Lavender Fields," "Pamilya Sagrado" every weekday, at "ASAP" pati "Rainbow Rumble" tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, at TV5.
Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng "It's Showtime" mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, ALLTV, GMA, at GTV.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.