No. 1 sa iWantTFC at kasama sa Top 10 TV shows sa Netflix
Patuloy na inaabangan ng mga manonod ang drama-thriller series na “Lavender Fields” dahil mas umiinit at tumataas ang tensyon sa pagitan nina Tyrone (Jericho Rosales) at Zandro (Albert Martinez) at sa determinasyon ni Iris (Janine Gutierrez) na madiskubre ang tunay na pagkatao ni Jasmin (Jodi Sta. Maria).
Sa ngayon, nagtutulungan sina Jasmin, Tyrone, at Zandro upang mabisto ang maruruming sikreto sa ilegal na negosyo ni Vittorio (Edu Manzano). Ngunit hindi pa rin kumbinsido si Zandro sa intensyon ni Tyrone kaya naman kinumpronta niya ito lalo pa at nag-aalala siya na magdala lang ito ng panganib sa pamilya nina Jasmin at Aster (Maricel Soriano). Dahil sa galit at selos, nagsuntukan ang dalawang lalaki, na pilit pinatigil ni Jasmin.
Hindi pa man umuusad ang kanilang pagtutulungan ay mahuhuli naman ni Iris sina Tyrone at Jasmin sa bahay ni Aster. Sa kanyang pag-iikot sa bahay, natuklasan niya ang larawan na posibleng magpatunay na iisa sina Jasmin at Lavender. Bilang bahagi ng kanyang mapanlinlang na plano, itinalaga ni Iris si Lavender para ayusin ang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal nila ni Tyrone.
Ano kaya ang mangyayari sa wedding anniversary celebration nina Iris and Tyrone? Malalaman na kaya ni Iris ang katotohanan sa pagkatao ni Jasmin, o matatakasan pa rin siya nito?
Nananatili naman ang serye bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang numero uno pa rin ito sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWantTFC.
Abangan ang mga pasabog na eksena sa “Lavender Fields” tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.