Pinangunahan nina Julia Montes, Janine Gutierrez, at "PBB Gen 11" housemates ang pagpapasaya sa Kapamilya fans sa hinanda nilang sunod-sunod na pasabog na numbers sa Bida Kapamilya event sa Taguig noong Sabado (Dis.7).
Ayon kay Julia, masaya makita at marinig ang hiyawan ng fans na sumusuporta rin sa kanyang pagbabalik teleserye sa Saving Grace na nangunguna sa Prime Video.
"Iba yung pakiramdam na makita sila in person lalo pa ako na hindi ako ma-online. Ito yung mas na-appreciate ko yung effort na pumunta sila at nag-antay sila. Yung bonding nila shinare sa amin. Napaka-unforgettable talaga at yun yung regalo nila para sa aming mga artista," sabi niya.
Ayon kay Janine, ang Bida Kapamilya ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga artista na magpasalamat sa mga manonood ng ABS-CBN lalo na ang kanyang serye na "Lavender Fields" na hindi nawawala sa listahan ng most watched shows ng Netflix Philippines at iWanTFC.
"Sobrang mahalaga nito para sa amin kasi syempre gusto namin makita yung mga Kapamilya. Para harap-harapan kaming magpasalamat at mapakita yung pagmamahal namin sa kanila. Sobrang hirap bumyahe sa ganitong events kaya nagpapasalamat kami sa lahat na nagpu-pursigeng makisaya," sabi ng "Lavender Fields" lead star.
Hindi naman makapaniwala sina Fyang, at kasama niyang housemates na sina JM Ibarra, Kai Montinola, Kolette Madelo, Dingdong Bahan, Patrick Ramirez, JP Cabrera, Jas Dudley Scales, Therese Villamor, Joli Alferez, and Jan Silva sa mainit na suporta na natatanggap nila sa bawat Bida Kapamilya event.
Bukod sa housemates, nakisaya rin sa event ang "Saving Grace" stars na sina PJ Endrinal , Emilio Daez, at Jennica Garcia at "Lavender Fields" stars Krystal Mejes, Miguel Vergara, Marc Santiago at Jana Agoncillo. Ayon nga sa security ng mall ay umabot sa lampas 10,000 fans ang dumagsa sa event.
Abangan kung saan pa susunod na pupunta ang "Bida Kapamilya" sa kanilang patuloy na pag-iikot sa iba't ibang parte ng bansa.
Huwag naman palampasin ang bawat episode ng mga programa ng ABS-CBN Studios na “FPJ's Batang Quiapo,” “Lavender Fields,” at “Pamilya Sagrado” tuwing weekday at “ASAP Natin ‘To” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, at TV5.
Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, GMA, at GTV.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.