News Releases

English | Tagalog

"BuyBust" at "Bantay-Bahay," mapapanood sa Cinema One ngayong Disyembre

December 03, 2024 AT 02 : 56 PM

Julia, Kathryn, Kim, Liza, and Sarah star on Cinema One's Women of Christmas special block.

Julia, Kathryn, Kim, Liza, at Sarah, bibida sa Women of Christmas block ngayong buwan
 
Maghahatid ng katatakutan at aksyon sina Anne Curtis sa “BuyBust” at Pepe Herrera sa “Bantay-Bahay” sa Cinema One ngayong Disyembre.
 
Nakakaaliw at nakakakilabot na kwento ang handog ni Pepe Herrera sa “Bantay-Bahay” (Dis. 8) bilang vlogger na mag-iimbestiga sa isang haunted house na may malagim na kasaysayan sa Blockbuster Sundays block na umeere tuwing Linggo, 7pm.
 
Tampok naman ang mapanganib na misyon ni Anne Curtis bilang special ops agent sa “BuyBust” (Dis. 29) kung saan tutuklasin niya ang madidilm na sikreto sa mundo ng illegal na droga.
 
Mapapanood din sa Sunday block ang dating Metro Manila Film Fest (MMFF) entries na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto (Dis. 15) at “The Mall The Merrier” nina Anne Curtis at Vice Ganda (Dis. 22).
 
Samantala, iba’t ibang feel-good movies na swak para sa family bonding ang mapapanood sa Christmas marathon ng Cinema One sa Dis. 25. Huwag palampasin ang “Ang Tanging Ina N’yong Lahat” ni Ai-Ai Delas Alas, “Can’t Help Falling in Love” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “Four Sister and a Wedding” nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga, “Seven Sundays” nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, at Ronaldo Valdez. Mapapanood din ang digitally restored at remastered na bersyon ng “9 Mornings” nina Piolo Pascual at Donita Rose, “Puso ng Pasko” ni Jolina Magdangal, at marami pang iba.
 
Ramdam na ramdam din ang Christmas spirit sa pagbida ng iba’t ibang movie stars sa Women of Christmas. Saksihan ang “It Takes a Man and a Woman” ni Sarah Geronimo (Dis. 23), “Everyday I Love You” ni Liza Soberano (Dis. 24), “I Love You, Hater” ni Julia Barretto (Dis. 25), “Bride For Rent” ni Kim Chiu (Dis. 26), at “The Hows of Us” ni Kathryn Bernardo (Dis. 27) na mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes, 7pm at Biyernes, 8pm.
 
Magpapasikat naman ang iconic superheroes ngayong buwan sa Friday Action ng Cinema One. Bumilib sa kakaibang super powers ni “Gagamboy” na pinagbibidahan ni Vhong Navarro (Dis. 6), “Kung Fu Divas” nina Ai-Ai Delas Alas at Marian Rivera (Dis. 13), “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach, (Dis. 20), “Ang Panday” ni Coco Martin (Dis. 27) na mapapanood 9pm tuwing una at ikatlong Biyernes at 10pm tuwing ikalawa at ikaapat na Biyernes.
 
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.