Bernadette Sembrano sits down with “PBB Gen 11” edition third big placer Nickolette “Kolette” Madelo as she shares her fun-loving nature and optimism on achieving her goals and entering showbiz after her unforgettable run in the reality show
Tampok din sa “Tao Po” ang kwento ng isang solar energy project sa Samar at kaligtasan ng mahigit 2,000 pamilya sa Bulacan
Samahan si Bernadette Sembrano na alamin kung paano nagpakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya si “PBB Gen 11” edition third big placer Nickolette “Kolette” Madelo ngayong Linggo (December 8) sa “Tao Po.”
Taas-noong ibinahagi ni Kolette na siya ay isang “raketera” at working student bago pumasok sa hit reality show na kung saan nakilala siya bilang isang masiyahing housemate na hindi basta-bastang sumusuko sa mga hamong natanggap.
Matapos madiskubre ang mga natatagong talento sa pagkanta at pagsayaw habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, pursigido siyang ituloy ang showbiz career sa kanyang pagbabalik outside world.
Samantala, bibisitahin naman ni Raphael Bosano si Alma Latina, isang lider ng grupo ng mga kababaihan na “Sulong Suluan” sa Suluan, Guiuan, Eastern Samar. Nannguna si Alma sa pagtulong sa barangay na magkaroon ng access sa solar energy. Katulong ni Alma sa inisyatibong ito ang Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) sa misyong magbigayang liwanag ang pasko ng kanyang mga kababayan.
Ibabahagi naman ni Kabayan Noli de Castro ang nakababahalang palagiang pagbaha sa barangay Pugad, Hagonoy, Bulacan dahil sa paglubog ng lugar. Apektado ang kaligtasan ng mahigit 2,000 pamilya at damay na rin ang kanilang mga kabuhayan.
Abangan ang mga kuwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:30 p.m. Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.