Tampok ang key track na “Ikaw at Ikaw”
Iba’t ibang kwento ng pag-ibig ang hatid ng promising Filipino pop boy group na 1621BC sa kanilang
debut EP na mapapakinggan simula Pebrero 9 (Biyernes).
Tampok sa EP ang key track na “Ikaw at Ikaw” na isinulat at iprinodyus ni Kiko “KIKX” Salazar na may mensahe ng pagmamahal sa gitna ng pagtatapos ng isang relasyon.
Kabilang din sa “1621BC” EP ang debut single na “
Laruan” na isinulat at iprinodyus ni ALAS at iba pang awitin tulad ng “Crush, Crush” na isinulat nina StarPop label head Roque “Rox” Santos, Rico Gonzales, at Jeremy G, “Handa Na Ang Puso” na isinulat nina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Joel Mendoza, “TOFU (Think of You)” na isinulat ni Jeremy G, at ang kanilang rendition ng Daniel Padilla hit single na “Simpleng Tulad Mo” na isinulat ni MJ Magno.
Unang nakilala ang 1621BC members na sina JM, JC, Pan, Win, Migz, at DJ nang maging trainees sila sa idol survival reality program na “Dream Maker.” Noong Nobyembre ng nakaraang taon, natupad nila ang kanilang pangarap nang pormal silang ipakilala bilang bagong boy group ng Kapamilya record label na StarPop. Ngayong ipapakita naman nila ang kanilang musicality at vocal dynamics sa kanilang unang mini album na iprinodyus ni Rox Santos.
Pakinggan ang 1621BC EP na available sa iba’t ibang streaming platforms simula Pebrero 9. Para sa updates, sundan ang 1621BC sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
TikTok.
Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
TikTok.