News Releases

English | Tagalog

Pepe Herrera, ibabahagi ang buhay sa likod ng camera sa 'Tao Po'

March 27, 2024 AT 02 : 15 PM

Veteran journalist Doris Bigornia sits down with award-winning actor/comedian Pepe Herrera as he discusses his life behind the glitz and glamor of showbiz

Tampok din ang kwento ng pag-asa ng isang pastor janitor at ang gilas ng isang dalagang mekaniko

Kukumustahin ni Doris Bigornia ang award-winning actor at komedyante na si Pepe Herrera, kung saan personal niyang ibabahagi ang kanyang mga pinagdaanan sa likod ng mga tinamasang tagumpay sa showbiz ngayong Easter Sunday (Marso 31) sa "Tao Po."

Hindi kaila sa publiko ang husay ni Pepe sa pag-arte, na mas nakilala bilang Lods sa highest-grossing Pinoy film na "Rewind" at bahagi rin ng ilang hit Kapamilya titles tulad ng "I Am Not Big Bird," PH adaptation ng "What's Wrong with Secretary Kim," at iba pa. Pero sa likod ng kanyang kasikatan sa industriya, ilalahad ni Pepe ang kanyang naging laban sa depresyon at kung paano siyang nakabangon muli.

Samantala, puno rin ng inspirasyon ang hatid na kwento ni Bernadette Sembrano, tampok ang buhay ng pastor at janitor na si Jose Arnel Dagami, na naging sandigan ang pananampalataya matapos malugmok sa bisyo at krimen. 

At ibibida naman ni Kabayan Noli de Castro ang nakamamanghang gilas ng dalagang mekaniko na si Angel Medina, na sa murang edad ay kayang magkumpuni ng mga motorsiklo at may mga parokyanong bilib pa sa kanyang maayos na serbisyo. 

Abangan ang mga kwentong puno ng pag-asa at inspirasyon sa "Tao Po" ngayong Linggo, 6:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. May livestreaming din ito sa official ABS-CBN News YouTube at Facebook accounts, pati sa news.abs-cbn.com/live.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE