News Releases

English | Tagalog

Alexa, naglabas ng solo rendition ng awiting "Believing In Magic (Yakap Mo)"

April 12, 2024 AT 11 : 14 AM

Magpapakilig sa “Add to heart, KDLex concert” na magaganap sa Mayo 31

Inilunsad na ni Alexa Ilacad ang solo rendition niya ng “Believing In Magic (Yakap Mo)” na tungkol sa paghihintay sa pagdating ng pag-ibig. 

Unang inilabas ni Alexa ang awitin kasama sina Belle Mariano at Francine Diaz bilang bahagi ng “Star Magical Prom 2024: The Album.” Inawit nila ito sa ginanap na Star Magical Prom noong Marso at naging viral ang kanilang performance na umani ng papuri at milyong-milyong views sa TikTok. 

Iprinodyus ang awitin ni ABS-CBN Music creative director Jonathan at isinulat niya rin ito kasama sina Andrei Dionisio at Annabelle Regalado-Borja. Nagsilbing executive producer din ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Bukod sa kanyang music comeback, naghahanda rin si Alexa kasama ang on-screen partner na si KD Estrada para sa kanilang “Add to heart, KDLex concert” na magaganap ngayong Mayo 31 sa Music Museum.

Nagsimula ang music career ni Alexa nang ilabas niya ang debut album na “To The Moon and Back” tampok ang key track na “Pakipot Suplado” na inilabas noong 2016. Sinundan niya ito ng iba’t ibang singles tulad ng “Love At First Sight,” “Stay Right Here,” and “Paano.” Nakasama rin niya si KD para sa soundtrack ng “Run To Me” na tampok ang mga awitin tulad ng “Misteryo” at “When I See You Again.” 

Bilang aktres, nakilala si Alexa nang mapasama siya youth-oriented comedy show na “Goin’ Bulilit” noong 2008. Naging tuloy-tuloy ang naging pagbida niya sa iba’t ibang sikat na serye tulad ng “Bagito,” “The Good Son,” “The Killer Bride,” at “Pira-Pirasong Paraiso.”

Pakinggan ang bagong single ni Alexa na “Believing In Magic (Yakap Mo)” na available sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE