News Releases

English | Tagalog

Pang-eeskandalo nina Cherry Pie at Mercedes patok sa netizens!

April 25, 2024 AT 10 : 10 AM

Will Marites finally end her relationship with Rigor or will she give him another chance? Will Tanggol be able to keep his cool despite Pablo’s arrogance?

Relasyon nina John at Mercedes sa “Batang Quiapo,” bistado na!

Pinagpiyestahan ng netizens ang pinaka-inaabangang eskandalong komprontasyon nina Marites (Cherry Pie Picache) at Lena (Mercedes Cabral) sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Nakakuha ang episode (Abril 23) ng 436,663 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Pagkatapos ng sunod-sunod na paghihinala, sa wakas ay nakumpirma ni Marites ang pambababae ng asawang si Rigor (John Estrada) pagkatapos niyang mahuli ito na nakikipaghalikan sa kabit nitong si Lena.

Nanggagalaiti sa galit at wasak ang puso, sinugod at sinabunutan ni Marites si Lena habang ipinagsigawan sa mga kapitbahay ang sikretong relasyon ng dalawa. Walang kaabog-abog naman si Lena at sinugod din si Marites habang ipinagmamalaki niya ang pagiging kabit. 

Ang hindi pa alam ni Marites, buntis si Lena at nangako si Rigor na pananagutan nito ang anak nila. 

Samantala, unti-unting nagiging malapit sa isa’t isa sina Tanggol (Coco Martin) at Bubbles (Ivana Alawi) at nangako silang hindi na sila gagawa ng mga krimen. Subalit, mukhang masasangkot ulit sila sa gulo dahil pag-iinitan si Tanggol ni Pablo (Elijah Canlas), ang mayabang na anak mula sa pamilya Caballero, nang magkita sila sa bar na pinapasukan ni Tanggol. 

Katapusan na ba ng ito relasyon nina Marites at Rigor? Makakapagtimpi ba si Tanggol kay Pablo?

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.