Isang Mother’s Day offering ng Jeepney TV
Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama sina Sylvia Sanchez at Gela Atayde para sa isang seryosong usapan tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-ina at kani-kaniyang pinagdaanan sa karera at personal na buhay sa hostless talk show ng Jeepney TV na “Stars On Stars” na napapanood na ngayon sa
YouTube at
Facebook.
Tinanong ni Sylvia ang anak kung ano ang rating niya rito bilang ina at agad-agad ay sinabi ni Gela na bibigyan niya ito ng 100%.
Ani Gela, “100 doesn’t necessarily mean like you’re perfect. 100 because you give what you can with what you have. Kung ano’ng makakaya mo, ibibigay mo all the time. It’s 100 because I see that and I appreciate that.”
Napag-usapan din ng dalawa ang hindi maiwasang pagpasok ni Gela sa showbiz, lalo pa’t na-expose na ang bata sa industriya sa maagang panahon bilang ‘buntot’ ng kanyang ina sa mga taping nito.
Nagkatrabaho na rin ni Sylvia si Gela sa unang programa nito na “Senior High” at inilahad niya kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak.
Sabi ni Sylvia kay Gela, “Ako lang yung nag-open ng door sayo para makapasok ka. But isipin mo rin na nung hinakbang mo yung paa mo sa industriya, hindi na ako yun, Gela. Ikaw na yun. And I’m so proud of you na pinakita mo na kaya mo.”
Ngayon ay bahagi muli si Gela ng isa pang ABS-CBN series na “High Street” at tuloy-tuloy na nga sa mundo ng showbiz.
Pag-amin sa kanyang hamon bilang isang nepo baby, sinabi niya, “We make the paths for ourselves. Kami na yung magpu-prove sa mga tao na we’re worthy of being in the industry.”
Nagbalik-tanaw rin ang mag-ina sa kung ano ang kulang sa kanilang buhay, partikular na kay Sylvia—ang pagkakataong makilala ang kanyang ama.
“Sa lahat ng mga narating ko, lahat meron ako. Isa lang ang hindi ko kayang bilhin, yakap ng tatay. Yes, gusto kong makita ang tatay ko, kung buhay pa siya. At kung patay na siya, gusto ko siyang puntahan. Gusto kong makita saan siya nilibing,” paglalahad ni Sylvia na nawaganan din na kontakin siya sakaling may impormasyon tungkol sa kanyang ama.
Alamin ang iba pang naging rebelasyon nila sa latest episode ng “Stars On Stars” na uploaded na ngayon sa Jeepney TV Facebook page at YouTube channel. Para manatiling updated, sundan ang Jeepney TV sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok at mag-subscribe sa
YouTube channel nito.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (formerly Twitter),
Instagram, at
TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.