News Releases

English | Tagalog

Matitinding performances nina Gary, Martin, Regine, Kim, Joshua, Janella at iba pa, tampok sa "ASAP Natin 'To"

May 24, 2024 AT 10 : 04 AM

Abangan rin ang exciting dance performances mula kina Jake, Chie, Jackie, at Loisa

 

Panoorin muli ang inyong mga paboritong pagtatanghal mula sa mga singing icon na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Regine Velasquez, maging ang show-stopping performances nina Kim Chiu, Joshua Garcia, Janella Salvador, at iba pa ngayong Linggo (Mayo 26) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Samahan ang “ASAP” family sa isang all-star fiesta opening kasama sina Gary, Martin, Regine, Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Kim, Darren Espanto, Jona, Vina Morales, Yeng Constantino, Maymay, AC Bonifacio, Sheena Belarmino, Jameson Blake, Aljon Mendoza, Chie Filomeno, Fana, at Lara Maigue, kasama ang Sinulog Festival Dancers at MNVRS Ignite.

Abangan ang throwback dance performances mula sa Kapamilya heartthrob na si Joshua, kasama sina AC, Kyle Echarri, Darren, Alexa Ilacad, Joao Constancia, Jameson Blake, Gela Atayde, Maymay, Jeremy Glinoga, Race Matias, at Ken San Jose. Makakasama rin nila ang mga dance group na G-Force, Ignite, at A-Team. Subaybayan naman ang kapana-panabik sayawan nina Kim at Janella.

Samantala, abangan ang mga nakakapanindig-balahibong collaboration prods mula kina Martin at Bamboo, Darren, Jake Cuenca, at Chie Filomeno, gayundin kina Jackie Gonzaga at Loisa Andalio kasama ang D Grind.

Handog rin ng “ASAP” ang solid na kantahan mula sa OPM band na The Juans, mga singer-songwriter na sina Gary, Nyoy Volante, Anji Salvacion, Jeremy, at Barbie Almalbis, mga singing champion na sina Jed Madela, Jona, Klarisse De Guzman, Jason Dy, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Katrina Velarde, Sheena, Elha Nympha, Bugoy Drilon, JM Yosures, at Reiven Umali. Tuloy-tuloy ang ‘biritan’ kasama ang “ASAP” divas na sina Regine, Zsa Zsa Padilla, Jona, Bituin, at Frenchie.

Maghanda naman para sa isang bonggang ending prod hatid nina Gary, Martin, Regine, Ogie, Erik, at Angeline na aawit ng nakamamanghang renditions ng mga international hits. Makikisaya rin ngayong weekend ang mga host na sina Robi Domingo, Janine Gutierrez, at Edward Barbers.

Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.