News Releases

English | Tagalog

Dyan, itatampok ang youngest world champ sa Jiu-Jitsu sa “Tao Po”

May 24, 2024 AT 04 : 33 PM

Watch how Dyan marvels at the passion of the young martial artist as Aleia demonstrates her outstanding skill and discipline in the sport

Kwento nina Enchong Dee at isang snake breeder, mapapanood din
 
Isang maaksyon na Linggo ang hatid ni Dyan Castillejo dahil magsasanay siya kasama ang anim na taong gulang na si Aleia Aielle Aguilar, ang pinakabatang world champion sa Jiu-jitsu, sa “Tao Po” ngayong Linggo (Mayo 26).
 
Panoorin kung paano humanga si Dyan sa batang martial artist habang ipinapakita ni Aleia ang kanyang natatanging husay at disiplina sa larangan ng Jiu-jitsu. Dalawang beses nang napanalunan ni Aleia ang titulo sa Abu Dhabi World Festival Jiu-Jitsu Championships.
 
Samantala, sasama naman si Bernadette Sembrano kay Kapamilya star Enchong Dee sa isang tour sa  Global Academy of Rock PH, ang kanyang pinakabagong negosyo.
 
Ayon kay Enchong, binuksan niya at ng kanyang mga co-owner ang musical school dahil gusto nila na magkaroon ng oportunidad ang mga bata na tuklasin ang kanilang hilig sa musika tulad ng kung paano siya hinikayat ng kanyang mga magulang na ituloy ang swimming bilang kanyang sport.
 
Ibinahagi rin ni Enchong kay Bernadette kung paano nagkaroon ng epekto sa kanya bilang isang artista ang papel niya bilang Padre Jacinto Zamora sa pelikulang “GomBurZa”. 
 
Tampok din sa “Tao Po” ang snake breeder na si Mac Santos na ipinamalas ang kanyang 300 ball python. Ibinahagi ni Mac kay Kabayan Noli de Castro kung paano niya sinimulan ang kanyang pagkahilig sa mga hayop at kanya rin ipinaliwanag ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng mga ahas bilang mga alagang hayop.
 
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Mayo 26) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.
 
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.