News Releases

English | Tagalog

'High Street,' mapapanood sa iWantTFC 48 oras bago umere sa TV

May 29, 2024 AT 08 : 05 AM

Be ahead of the latest happenings in "High Street," now streaming its new episodes 48 hours in advance on iWantTFC

Pinagbibidahan nina Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Daniela Stanner, Dimples Romana, Angel Aquino, at Andrea Brillantes 

Mas kapanapanabik ang mga rebelasyong matutuklasan sa pagpapatuloy ng "High Street," at para iwas-bitin sa mga susunod nitong kaganapan, hatid ng iWantTFC, the home of Filipino stories, sa mga manonood ang new episodes nito na libreng mapapanood 48 hours in advance sa TV broadcast nito. 

Matapos ang mga nakatitindig-balahibong rebelasyon sa "Senior High," mas titindi ang mga hamong haharapin ni Sky (Andrea Brillantes) at ng kanyang Northford High batchmates sa kanilang pagpasok sa adulthood sa "High Street." 

Iikot na rito ang misteryo sa likod ng pagkakadakip kay Z (Daniela Stranner) kung saan madadawit si Sky sa naturang krimen at lubusang makakaapeto sa kanyang career bilang up-and-coming journalist. 

Patindi nang patindi rin ang mga bago nitong rebelasyon sa mga bago nitong karakter, kung saan nailantad na ang mga pagkatao ng katrabaho niyang sina Wesley (Harvey Bautista) at Nikki (AC Bonifacio) na nakikipagsabwatan sa Soleil CEO na si Tori (Dimples Romana) sa pagdawit kay Sky sa pagdakip kay Z. Maliban pa rito, patuloy rin ang bangungot na dala ni Gov. William Acosta (Mon Confiado) para makapaghiganti kay Sky. 

Lahat ng ito at ang mga susunod pang kaganapan, libreng mapapanood sa 48 hours in advance episodes ng "High Street" sa iWantTFC via iwanttfc.com o sa official app nito na available sa iOS at Android. Para naman sa mga gustong makasabay sa "High Street," on-demand ding mapapanood nang buo ang "Senior High" pati ang webisodes ng "Life After Senior High." 

Maliban dito, tuloy-tuloy rin ang "High Street" fever sa iWantTFC, tampok ang iba pang tinatangkilik na programa nina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Daniela Stranner, Harvey Bautista, AC Bonifacio, Dimples Romana, at Angel Aquino sa "Stars of High Street" selection nito. 

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.    

Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang iWantTFC sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.  

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom