Tampok ang collab performance nina Martin, KZ, at Yeng
Simulan ang buwan ng Hunyo nang may kasiyahan kasama sina Belle Mariano at Morissette Amon na magdiriwang ng kanilang mga kaarawan at maghahatid ng bonggang song and dance number ngayong Linggo (Hunyo 2) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Kasama sa paghahanda sa upcoming birthday concert na “Believe”, handog ni Belle ang nakakamanghang performance ng kanyang original song na "Somber and Solemn" kasama ang A-Team. Regalo naman ni Morissette sa fans ang kanyang rendition ng "Release Me" kasama ang G-Force.
Damhin ang summer vibes sa all-star opening production kasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Jona, Yeng Constantino, Jolina Magdangal, Kim Chiu, Belle, Alexa Ilacad, Maymay, Morissette, Janella Salvador , Anji Salvacion, AC Bonifacio, Chie Filomeno, Jason Dy, Klarisse De Guzman, Bituin Escalante, Frenchie Dy, at Jeremy Glinoga na aawit at iindak ng mga groovy international hits.
Saksihan ang mga nakaka-excite na performance ng OPM viral hits kasama ang rising Filipina artist na si Denise Julia, na kakanta ng kanyang original song na “B.A.D.,” at pop band na si Lola Amour, na hatid ang kanilang TikTok famous song na “Raining In Manila.”
Makisama sa dance party kasama ang mga New Gen artist na sina Darren Espanto, Sheena Belarmino, Gela Atayde, Alexa, AC, Joao Constancia, Anji, Jeremy, Krystal Brimner, Race Matias, maging ang mga Pinoy Pride dance champion na Fresno Style PH, AJ Crew, The Peepz, Legit Status, at MNVRS Ignite.
Samantala, ipapakilala naman ang The Voice Teens Season 3 Grand Champion na si Jillian Pamat bilang pinakabagong Kapamilya Champion sa “ASAP,” kasama ang iba pang mga singing champion na sina Jona, Klarisse, Yeng, Jason, JM Yosures, JM Dela Cerna, Sam Mangubat, Khimo Gumatay , Bugoy Drilon, Lyka Estrella, Fana, Katrina Velarde, Lara Maigue, at Marielle Montellano.
Sari-sari pang tugtugan at kantahan ang aabangan mula sa mga singing diva na sina Regine, Zsa Zsa, Bituin, Nina, at Frenchie na hatid ang Cyndi Lauper hits, Sanib-pwersa rin sina Martin Nievera, KZ Tandingan, at Yeng sa kanilang rendition ng “Heaven Knows” ng Orange and Lemons. Subaybayan rin ang mga David Gates at Bread hits na hatid nina Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Sheryn Regis, at Janella.
Makakasama rin ng Kapamilya guests at artists ang hosts na sina Robi Domingo at Janine Gutierrez.
Lahat ng ito, mapapanood ninyo ngayong Linggo mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 NN sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.