News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars ng "It's Showtime" at "High Street," dinumog sa Pampanga

May 09, 2024 AT 12 : 47 PM

Kapamilya stars of “It’s Showtime” and “High Street” felt the warm welcome of the people of San Fernando, as supporters packed SM Pampanga’s Amphitheater for ABS-CBN’s Bida Kapamilya event.

Panoorin ang Kapamilya shows sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, atbp platforms
 

Naramdaman ng mga Kapamilya stars ng “It’s Showtime” at “High Street” ang mainit na pagtanggap ng mga taga-San Fernando na dinumog ang SM Pampanga Amphitheater para sa Bida Kapamilya event ng ABS-CBN.

Pinasaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Ogie Alcasid, Jhong Hilario, Darren Espanto, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, MC, at Lassy ang mga fan na pumunta sa event sa pamamagitan ng kanilang mga pasabog na performances.

Nag-ikot din ang mga host ng “It’s Showtime” sa mga lugar sa San Fernando para makipagkita sa mas maraming Kapamilya sa kanilang float parade, habang nagsama-sama naman ang “TNT” champions na sina Lyka Estrella, JM Yosures, Reagen Villareal, JM Dela Cerna, Mariel Montellano, at Reiven Umali na hinarana ang mga tao sa SM Pampanga Amphitheater.

Samantala, nagpakitang-gilas naman sina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Elijah Canlas, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Harvey Bautista, at Ralph de Leon, ang young stars ng upcoming primetime show ng ABS-CBN na “High Street,” sa mga Cabalen. Ipinakita rin nila sa fans ang official poster ng “High Street” sa naturang event.

“Ang sarap na sama-sama kaming sinalubong ng mga Kapampangan na Kapamilya natin. Nakakatuwa kasi nakaka-miss din gawin ‘yung ganito. Ang tagal naming hindi nagagawa ‘to,” ani Vice sa isang panayam sa “TV Patrol.”

Nagpapasalamat naman si Xyriel sa mga taong dumating para suportahan ang kanilang Bida Kapamilya event sa kabila ng mainit na panahon.

“Sobrang appreciated po namin ‘yung effort nila kasi sobrang init ngayon, pero pumila sila at ngayon nagse-stay sila sa labas. Sobrang thankful po kami sa dedication nila,” sabi ni Xyriel.

Maliban sa mga nakakaaliw na production numbers, binigyan din ng libreng ice cream at tubig ang mga dumalo, habang ang ilan ay maswerteng umuwi na may dalang papremyo mula sa raffle.

Huwag palampasin ang bawat episode ng mga programa ng ABS-CBN Studios na “FPJ's Batang Quiapo,” “Linlang: The Teleserye Version,” at “High Steet” tuwing weekday at “The Voice Teens,” “I Can See Your Voice,” at “ASAP Natin ‘To” tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebook), A2Z, TV5, at iWantTFC.

Makisaya naman tuwing tanghali sa panonood ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (YouTube and Facebok), A2Z, GMA, GTV, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.