“Laging Kasama” music video tampok si Piolo inilunsad
Ipinagdiriwang ng Cinema One ang 30 taong paghahatid ng iba’t ibang pelikulang Pilipino sa mga manonood sa paglulunsad ng “Laging Kasama” music video tampok si Piolo Pascual.
Inilabas ang music video ng “Laging Kasama” sa Cinema One Facebook page at YouTube channel kung saan makikitang umaawit si Piolo habang ipinapakita ang ilan sa hindi malilimutang Filipino films. Ipinalabas din ang music video sa ABS-CBN channels nitong Miyerkules.
Bukod sa kanilang anniversary theme song, ihahandog din ng cable channel ang iba’t ibang blockbuster at classic Pinoy films na libreng mapapanood sa YouTube simula Hunyo 12 hanggang 30.
Naitayo ang cable channel noong 1994 bilang Sky One na naging Pinoy Blockbuster Channel naman noong 1998. Nag-rebrand ito bilang Cinema One taong 2001 na nagpapalabas ng local at international films 24/7.
Bukod sa pag-ere ng mga pelikula, nagprodyus rin ang cable channel ng talk shows tulad ng “The B Side” na pinangungunahan ni Bianca Gonzalez. Kada taon ay pinangungunahan din nito ang OpenAir Cinema One na nakatakdang idaos sa Capitol Commons Park ngayong taon. Nakamit ng annual outdoor screening event ang bronze sa naganap na 2024 Asia-Pacific Stevie Awards for Innovation in Entertainment Events.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram,
TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.