News Releases

English | Tagalog

Mga proyekto ng ABS-CBN News, kinilala sa Asia-Pacific Broadcasting+ Awards

June 07, 2024 AT 06 : 40 PM

ABS-CBN News’ innovative digital projects took home two awards at the 2024 Asia Pacific Broadcasting+ Awards in Singapore.

#Nazareno2024 coverage at Patrol ng Pilipino, nagwagi
 

Nag-uwi ng dalawang parangal ang makabagong digital projects ng ABS-CBN News na kinilala sa 2024 Asia Pacific Broadcasting+ Awards sa Singapore.

Panalo ng Digital Transformation award ang Patrol ng Pilipino na isang paraan ng mga mamamahayag ng ABS-CBN News na maglahad ng mga balita at impormasyon sa vertical video format para mas maraming audience pa ang marating ng balita sa social media.

Mula nang ilunsad ito noong 2023, nakakuha na ang Patrol ng Pilipino ng mahigit 150,000 followers at 2 million likes sa Tiktok channel nito at patuloy ding nagpo-post ng videos sa YouTube, Facebook, Instagram, X, at Threads. Binigyang-daan din nito ang paglabas ng iba pang digital video products ng News Gathering arm ng ABS-CBN.

Samantala, nagwagi naman ng Live Event Streaming Award ang halos 15 oras na livestream coverage ng ABS-CBN Digital News Gathering Team para sa 2024 Feast of the Black Nazarene.

Nanguna ang #Nazareno2024 livestream sa Pilipinas noong araw ng Pista ng Itim na Nazareno at ginamit din ang livestream ng ibang organisasyon tulad ng People’s Television Network, TV Maria, at Quiapo Church.

“It’s been an incredibly tough few years…so I’m dedicating this one to all the incredible journalists who have proven that they are tougher. For my colleagues in ABS-CBN News, the reporters, remote broadcast specialists and interns most especially, who have shown us gumption and grit against the grind and spirited storytelling in the name of service. This is proof that we’re not just here to break news. But also to break boundaries in how news stories are told,” ani Jeff Canoy, ABS-CBN News chief of reporters, sa kanyang acceptance speech.

 

Binigyang-pugay naman ni Anjo Bagaoisan, team lead ng Patrol ng Pilipino at science editor ng ABS-CBN News, ang mga tao na nasa likod ng araw-araw na operasyon ng ABS-CBN News.

 

“You can’t keep good men and women, excellent men and women down. Despite our limited resources and reach, our team strove to find ways to still do what they do best, and this marathon digital livestream of the biggest religious event in the Philippines embodies that,” sabi ni Bagaoisan.

 

Ayon naman kay ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head, Francis Toral, patunay ang pagkilala sa mga proyekto ng ABS-CBN News sa dedikasyon ng kumpanya na maglingkod sa mga Pilipino gamit ang mga makabagong digital formats.

 

“It’s been an amazing transformation for the ABS-CBN News team. We have been able to optimize our traditional news and current affairs programs, and venture into a new terrain on digital — offering content that reaches new and more audiences. We are also keeping true to our mission of public service by providing relevant news and information on all platforms and devices, wherever our audience is,” pahayag ni Toral.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE