Alay ang awitin para sa young dreamers
Ibinahagi ng dating “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemate na si Shanaia Gomez ang makulay na pagsisimula ng pag-ibig sa kanyang bagong single na “Slow Dancing.”
“I dedicate this song to all the young girls out there who dream big. I never thought I would be able to achieve my dream of releasing my own music and this song represents the power of never giving up and where following your dreams can take you,” saad ni Shanaia.
Sumasalamin ang awitin sa mensahe at tunog na nais niyang iparating bilang performer. Aniya, “I’m still discovering myself as a musician and I feel like with this song I’m getting closer to the sound and overall vibe that I want to be as a performer. It’s something my younger self never would’ve imagined for myself so I know she’d be so happy.”
Isinulat at iprinodyus ang “Slow Dancing” ng Kapamilya artist na si Jeremy G habang nagsilbing supervising producer nito ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Inilunsad ni Shanaia ang kanyang debut single na “Para Sa’yo” na agad sinundan ng upbeat track na “Awake” noong 2022. Bago makilala sa “PBB,” sumali si Shanaia sa unang season ng “Idol Philippines” noong 2019. Ilan sa kanyang musical influences ay sina Sabrina Carpenter at Dua Lipa.
Ipinamalas niya rin ang talento sa pag-arte sa kanyang pagbida sa iba’t ibang serye tulad ng “Click, Like, Share,” “He’s Into Her,” at “FPJ’s Batang Quiapo.” Naging bahagi rin siya ng blockbuster film na “Rewind” at ng musical comedy na “The 25th Annual Putnam County Spelling Bee.”
Damhin ang kilig sa bagong single ni Shanaia na “Slow Dancing” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.