What does it take for a relationship to work?
This wedding month, ABS-CBN reporter Johnson Manabat seeks an answer to this question as he visits longtime married showbiz couple, Gladys Reyes, and Christopher Roxas, at their new restaurant in Laguna on “Tao Po” this Sunday (June 9).
Tampok din ang 65 anyos na back-to-school lola at isang PWD student
Paano nga ba makamtan ang forever?
Ngayong uso na naman ang kasalan, malalaman ang sagot sa katanungang ito ni ABS-CBN reporter Johnson Manabat sa pagbisita niya sa matagal nang kasal na showbiz couple na sina Gladys Reyes, at Christopher Roxas, sa kanilang bagong restaurant sa Laguna sa “Tao Po” ngayong Linggo (Hunyo 9).
Sa ika-20 taon ng kanilang pagsasama, ibabahagi nina Gladys at Christopher ang kanilang tips para mapanatiling masigla ang pagmamahalan upang magbigay ng inspirasyon sa ibang mag-asawa at magkasintahan. Tuturuan din ni Gladys si Johnson kung paano gawin ang kanyang hula hoop workout.
Ipapakilala naman ni Bernadette Sembrano sa mga manonood ang nakakaantig na kuwento ni lola Josephine Amante Villatema. Bagama't siya ay 65 taong gulang na, si lola Josephine ay nagbabalik sa paaralan upang makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kanyang pag-aaral.
Samantala, itatampok naman ni Kabayan Noli de Castro ang 17 taong gulang na si Ashley Napili na hindi naging hadlang ang kanyang pisikal na limitasyon sa pagpupursige sa pag-aaral at sa buhay. Kamakailan ay nagtapos si Ashley ng Grade 9 na may karanglan at natutuwa ang kanyang magulang dahil nakakatulong pa rin siya sa mga gawaing bahay.
Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (Hunyo 9) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.