News Releases

English | Tagalog

“Tao Po,” itatampok ang room tour ni Grae sa set ng “Pamilya Sagrado”

July 11, 2024 AT 12 : 33 PM

Grae, who plays Piolo Pascual’s son, Justin Sagrado, also shares with Bernadette his challenges of making a name for himself in the industry even if he comes from a prominent showbiz family

Kilalanin ang blogger sa likod ng ‘The Poor Traveler,’ dog lover na may 29 na alagang aso

Ipapasilip ni Kapamilya star Grae Fernandez ang kanyang kwartong tinutuluyan sa set ng “Pamilya Sagrado” kay Bernadette Sembrano para sa isang espesyal na room raid ngayong Linggo (July 14) sa “Tao Po.”

Ibabahagi rin ni Grae, na gumaganap bilang Justin na anak ni Piolo Pascual sa serye, kung gaano kadali o kahirap gumawa ng sariling pangalan sa industriya lalo’t galing siya sa isang prominenteng showbiz family.

Makikilala naman ni ABS-CBN reporter Izzy Lee si Yosh Dimen, ang full-time traveler at blogger sa likod ng sikat na ‘The Poor Traveler’ blog. Inalam ni Izzy kung paano nagsimula ang hilig sa pagbyahe ni Yosh at nagbahagi rin ang blogger ng ilang tips para mas sulit, hassle-free, at masaya ang paglalakwatsa.

Samantala, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro si Realyn Naguiling, isang dog lover na dating OFW. Pagbalik ng Pilipinas, muli si Realyn nag-alaga ng aso at nagkaroon siya ng mga asong walang dalawang unahang paa. Ngayon, mayroon siyang 29 na alaga at anim dito ay wala pa ring unahang paa.

Abangan ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (July 14) sa "Tao Po" ng 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News's YouTube Channel, at iWantTFC.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.