News Releases

English | Tagalog

'80s star Tanya Montenegro, ibibida ang hilig sa pagluto at ang kanyang Spanish resto sa 'My Puhunan'

July 12, 2024 AT 08 : 04 AM

Karen Davila features the success story of former '80s star, now head chef Tanya Montenegro, as she shares her passion for cooking and channeling it to establishing her own restaurant on "My Puhunan: Kaya Mo!"

Itatampok naman ni Migs ang kauna-unahang solar-powered farmer's market sa Ilocos Sur

Ibibida ni Karen Davila ang kwento ng tagumpay ng sikat na '80s star noon na si Tanya Montenegro na ngayo'y certified negosyante na at nagmamay-ari ng kilalang Spanish fusion restaurant sa Parañaque sa panibagong episode ng "My Puhunan: Kaya Mo!" ngayong Linggo (Hulyo 14). 

Kinilala si Tanya bilang isa sa rising stars noong dekada-80, kung saan naging parte siya ng youth-oriented musical film na "Campus Beat" na pinagbidahan noon ni Aga Muhlach. Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, pinili niyang ituon ang kanyang atensyon sa kanyang hilig sa pagluto na naging susi niya sa pag-asenso.

Ngayon, isa na siyang head chef at nakapagbukas ng sarili niyang resto na Cocina Estefania—hatid ang iba't ibang Spanish dishes na swak sa panlasang Pinoy, tulad ng kanyang mga bersyon ng callos, paella, lengua, at iba pa, pati fusion twist sa Filipino favorites.

Samantala, papasyal naman si Migs Bustos sa Ilocos Sur para itampok ang kauna-unahang solar-powered farmer's market sa bansa, ang Narvacan Farmer's Market na matatagpuan sa munisipyo ng Narvacan. Bukod sa mga produktong proudly Ilocano, inobasyon kung maituturing ang mga naka-install nitong 100 solar panels bilang source ng kuryente para sa buong pamilihan at nakatitipid pa sa konsumo ng mga manininda.

Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama sina Karen at Migs sa bago nitong timeslot tuwing Linggo, 4 PM bago ang "Goin' Bulilit" sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.