Who among Therese, Noimie, and Dylan will be the first to leave the PBB house? Find out this Saturday (August 3) on the first eviction night of "Pinoy Big Brother Gen 11"
Maaaring bumoto to 'Save' o 'Evict' sa Maya app
Nakilala na ang mga unang nahaharap na ma-evict sa bahay ni Kuya matapos mapasama sa first batch of nominees sina Therese, Noimie, at Dylan sa "Pinoy Big Brother Gen 11."
Sa nagdaang episode nito noong Linggo (Hulyo 28), dumaan sa unang nomination ang 15 housemates ni Kuya, kung saan nanguna sa mga nominado ang "Determined Daughter ng Camarines Sur" Therese Villamor na nakakuha ng 13 points. Nominado rin ang "Mombitious Chikadora ng Lithuania" Noime Steikunas, na may 12 points.
Samantala, napatawan naman ng automatic nomination ang "Astig Volleybae ng Pampanga" na si Dylan Yturralde matapos magdesisyon ang housemates na mapasama siya sa listahan ng mga nominado bilang resulta sa nabigo nilang weekly task.
Sa unang linggo ng kanilang panunuluyan, humarap ang housemates sa samu't saring pagsubok, kabilang ang pagbaha sa bahay ni Kuya dahil sa hagupit ng bagyong Carina at ulang habagat. Agad din silang nag-alay ng awitin bilang inspirasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
Pinuri naman ni Kuya ang kanilang katatagan at pakikipagtulungan, at inanunsyong silang lahat na house guests ay magiging opisyal na housemates ng PBB Gen 11.
Sino kaya kina Therese, Noimie, at Dylan ang unang lalabas sa bahay ni Kuya? Alamin sa unang eviction night ng "Pinoy Big Brother Gen 11" ngayong Sabado (Agosto 3) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.
Para sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.