The series breached the 600,000 mark for the first time ever as it logged a new all-time high record on Kapamilya Online Live
Winasak ang viewership record sa magkakasunod na gabi…
Winasak ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang sarili nitong online viewership record matapos makumpirma ang pamamaalam ng karakter ni Ivana Alawi sa maaksyong episode nito noong Hulyo 30 (Martes). Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa social media.
Nakapagtala ang naturang episode ng all-time high na 610,927 peak concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Nakamit ng serye ang panibagong online record sa dalawang magkakasunod na gabi at ito rin ang kauna-unahang beses na lumagpas ito sa 600,000 views para sa mga sabay-sabay na nanonood.
Tinutukan ng mga manonood ang emosyonal na episode kung saan nadurog ang puso ni Tanggol (Coco Martin) matapos makitang duguan at wala nang buhay si Bubbles (Ivana). Hindi na kasi naabutan ni Tanggol kung paano pagbabarilin ni David (Mccoy De Leon) si Bubbles hanggang sa hindi na ito kayang makipaglaban.
Bago pa nito, naipit din si Tanggol sa matinding bakbakan kung saan namatay din ang lolo ni Bubbles na si Celso (Soliman Cruz) dahil sa tadtad ng bala mula kay David.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.