News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN at Knowledge Channel, panalo ng apat na parangal sa Anak TV Sinebata competition

August 12, 2024 AT 06 : 00 PM

Four child-friendly and child-sensitive shows from ABS-CBN and Knowledge Channel were honored at Anak TV’s Sinebata Video Competition, a national contest of video works for, about, and by children and the youth with the theme, “Friendship in Diversity.”

Sinebata winners, magiging kinatawan ng bansa sa Southeast Asia Video Festival for Children
 

Apat na child-friendly at child-sensitive na palabas at segments mula sa ABS-CBN at Knowledge Channel ang pinarangalan sa Anak TV Sinebata Video Competition, isang pambansang paligsahan ng mga video works para sa, tungkol, at ng mga bata at kabataan na may temang, “Friendship in Diversity.”

Dalawang segments sa ilalim ng YeY, ang “Storyey: Ang Planetang Makulay" at “Game Play: Teamwork,” ang pinarangalan sa kategoryang Professional Fiction (8-12) at Professional Non-fiction (8-12) category.

Tinutuklas ng "Storyey: Ang Planetang Makulay," ang kahalagahan ng paggalang sa pagkakaiba-iba at pagtanggap ng indibidwalidad, habang ang "Game Play: Teamwork," ay isang segment tungkol sa isang grupo ng magkakaibigan (Team YeY) na may magkasalungat na ideya sa makeover ng kanilang barkada hangout. Sa huli, nagawa nilang pagandahin ang kanilang hangout place dahil pinahari nila ang kanilang tunay na pagkakaibigan.

Samantala, nanalo sa kategoryang Professional Non-fiction Under 7 category ang “Hero City Kids Force: Hero Festival,” isang children’s animated na palabas na nagtatampok kay Darna, Captain Barbell, at Lastikman na dapat lampasan ang kanilang mga pagkakaiba at sama-samang lumaban sa mga kontrabida na sumasabotahe sa Hero Festival.

Ang "Kwentoons: Si Bino, Si Buboy, Si Bantay, Magkaibigang Tunay," ng Knowledge Channel, isang kuwento tungkol sa magkakaibigan na naglalayong ibahagi sa mga bata ang tamang paraan ng pag-aalaga ng mga hayop, ay nanalo rin sa Professional Fiction Category para sa 7 taong gulang pababa.

Ang mga nanalong entry sa Sinebata ay ibabahagi sa mga Kabataan sa Southeast Asian sa pamamagitan ng Southeast Asia Video Festival for Children ngayong Nobyembre.

Kinilala ang mga nanalo sa Sinebata sa isang awarding ceremony noong Agosto 7 sa The Peninsula Manila. Ito ay inorganisa ng Anak TV, isang organisasyong nagtataguyod ng literasiya sa telebisyon at nagtutulak ng agenda para sa child-sensitive at pampamilyang telebisyon sa Pilipinas.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.