News Releases

English | Tagalog

"It's Showtime," sisimulan ang ika-labinlimang anibersaryo sa pag-anunsyo ng Magpasikat 2024 teams

August 17, 2024 AT 09 : 07 AM

"Showtime Online U," ipagdiriwang din ang ikawalong anibersaryo...



Doble ang pasabog na dapat abangan ng madlang people sa darating na Lunes (Agosto 19) sa pagdiriwang ng Showtime Online U ng ikawalong anibersaryo pati na rin ang pag-anunsyo ng "It's Showtime" ng Magpasikat teams para sa ikalabing limang anibersaryo ngayong taon.

Sampung linggo na nga lang ay muling matutunghayan ang friendly competition ng hosts sa taunang Magpasikat kaya huwag palampasin kung sino-sino ang magkaka-team sa kanila. Abangan kung swe-swertihin si Darren sa kanyang unang Magpasikat

Samantala, walong taon na rin na extended ang saya ng madlang people hanggang online show  dahil na rin sa hatid na araw-araw na good vibes ng "Showtime Online U" hosts na sina Wize Estabillo, AC Soriano, Nicki Morena, Lorraine Galvez,  JM dela Cerna, Marielle Montillano, Anthony Castillo, Anne Tenorio, Jannah Alaniseat Mackie Empuerto. Bongga rin ang pagpasok ng dating TNT Kids finalist at isa sa New Gen Kapamilya singers Sheena Belarmino sa SOU family  samantala nagbalik din ngayong taon ang dating Bidaman first runner up na si Eris Gonzaga. 

Abangan ang kanilang pasabog na opening number sa kanilang performances ng mga kanta ng BTS, SB19, at BINI. Tuloy-tuloy niyo rin silang mapapanood buong "It's Showtime" sa kanilang pagsali sa iba't ibang segments. 

Hindi naman natatapos ang mga pasabog sa Lunes dahil dapat din abangan ang SOU araw-araw sa chikang hatid nila sa MagpaCHIKA kung saan magkakaroon ang madlang people ng pasilip sa kaganapan sa darating na Magpasikat 2024. 

Panoorin sa "It's Showtime," tuwing 12:00PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at sa iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV. Panoorin din ang online show nila na "Showtime Online U," sa  YouTube channel ng "It's Showtime."

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE