News Releases

English | Tagalog

Tagumpay ni Kangkong Queen, tampok sa 'My Puhunan'

August 23, 2024 AT 07 : 01 PM

With the ongoing popularity of kangkong chips as a trendy veggie snack, Liberty "Bet" dela Cruz tried her hand at the booming veggie munch

Ipapamalas din ang city farming ng Urban Farmers PH

Maki-go green sa mga kwento ng tagumpay na hatid nina Karen Davila at Migs Bustos sa "My Puhunan: Kaya Mo!"—tampok ang kumikitang kangkong chips kabuhayan ng Kangkong Queen at city farming ng Urban Farmers PH.

Mula sa puhunang P50, ngayon ay napalago ni Liberty "Bet" dela Cruz ang kanyang kangkong chips business na nakakapag-prodyus ng mahigit 200 pakete kada araw. Kaya naman ang bansag sa kanya ngayon ay Kangkong Queen.

Sa kanyang kwentuhan kasama si Migs, ibabahagi niya ang kanyang sikreto ng tagumpay sa mga may nais magtayo rin ng sariling small business.

Samantala, sa gitna ng nagtataasang gusali posible pala ang pagtatanim ng mga prutas at gulay, yan ang ibibidang feature story ni Karen, tampok ang Urban Farmers PH ni Louie Gutierrez.

Bago niya simulan ang kanyang Urban Farmers initiative, isa muna siyang alahero hanggang sa naapektuhan nang lubos ang kanyang negosyo sa kasagsagan ng pandemya. Doon niya nakita ang yaman sa pagtatanim at ngayon, napalawak niya ang kanyang city farm nang magkaroon siya ng taniman sa BGC, Taguig City.

Huwag palampasin ang mga kuwento ng tagumpay sa "My Puhunan: Kaya Mo!" kasama sina Karen at Migs tuwing Linggo, 4 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.