News Releases

English | Tagalog

BGYO, nominado sa BreakTudo Awards sa Brazil; mapapanood sa bagong vlog series

September 11, 2024 AT 03 : 10 PM

New episodes of "BGYO CANtakeUS" will drop every Friday, 8pm on YouTube

Mula sa kanilang Music by New International Artist nomination sa BreakTudo Awards sa Brazil para sa kantang “Patintero,” may panibagong good news ang BGYO sa pamamagitan ng kanilang bagong vlog series na “BGYO CANtakeUS” tampok ang pasilip sa kanilang fans ng kanilang pagbisita sa iba’t ibang lugar sa North America.

Masasaksihan sa vlog series simula Biyernes (Set. 13), 8pm sa BGYO Official YouTube channel ang paghahatid-saya ng grupo sa US at Canada pati na rin ang kanilang performance sa “ASAP” Live in California, MYX Presents @ 626 Night Market sa Arcadia, Pistahan Parade sa San Francisco, Wish Bus USA, at Fiesta Filipino sa Calgary at Fun Philippines sa Toronto, Canada.

Tuloy-tuloy ang pagpasok ng BGYO sa international music scene matapos maka-collab ang Grammy winner at nominee na sina Lostboy at Tele na nag-prodyus ng kanilang latest single na “Trash.” Umani na ito ng mahigit 400,000 views sa YouTube at 350,000 streams sa Spotify. Tampok din ang awitin sa iba’t ibang Spotify editorial playlists tulad ng “It’s a Hit!” “P-pop On The Rise,” at “we SEA you.”

Abangan ang bagong vlog series ng BGYO na “BGYO CANtakeUS” na mapapanood sa YouTube simula ngayong Biyernes (Set. 13). Para sa karagdagang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel, BGYO Official

Para sa iba pang updates, sundan ang Star Music sa Facebook, X, Instagram, Tiktok, at YouTube

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE