Will Rafael and Moises finally discover the truth about their real relationship?
Piolo nilaglag ang pamilya para kina Grae at Kyle
Kaliwa’t kanan na pasabog ang tinutukan ng mga manonood sa mas umiigting na mga rebelasyon sa kontrobersyal na buhay ni Rafael (Piolo Pascual) sa ABS-CBN teleseryeng “Pamilya Sagrado” ngayong linggo.
Nagkaroon ng major plot twist sa serye matapos bumitiw bilang presidente si Rafael at inaming inosente si Moises (Kyle Echarri) sa mga krimeng binibintang sa kanya. Pero hindi pa pala makakamit ni Rafael ang tinatamasan niyang mapayapang buhay dahil nalaman niyang bago patayin si Cristine (Bela Padilla), ang kabit niya noon na labis niyang minahal, ay nanganak ito ilang buwan bago ang krimen.
Dahil sa kaso ni Cristine, maaaring maging daan ito sa pagdiskubre ni Rafael sa katotohanang magbabago ng kanyang buhay - na si Moises pala ang anak niya kay Cristine.
Magdudulot naman ito ng mas malaking sigalot sa pamilya Sagrado dahil titindi ang selos ni Justin (Grae Fernandez) kay Moises at magiging marahas si Jaime (Tirso Cruz III) laban kay Rafael para mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa politika.
Paano tatanggapin nina Rafael at Moises ang tunay nilang ugnayan?
Abangan ang mga makapigil-hiningang rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Pamilya Sagrado.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Napapanood din ang mas maikling mga episode tampok ang pinaka-maiinit na eksena sa “Pamilya Sagrado Fast Cuts” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.