News Releases

English | Tagalog

Sarah G, Bamboo, Maki, at KimPau magpapasiklab sa "ASAP"

September 28, 2024 AT 08 : 11 AM

Tampok rin ang pop groups na BGYO, YARA, at VXON

 

Gawing core memory ang weekend na ito dahil ibabalik ng “ASAP” ang mga world-class acts mula kina Sarah Geronimo at Bamboo, Maki kasama sina Angela Ken at Nhiko, at Kim Chiu at Paulo Avelino ngayong Linggo (Setyembre 29) sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Subaybayan ang all-star performance mula kina Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Bamboo, Kyla, Jed Madela, Vina Morales, Klarisse De Guzman, Nyoy Volante, Katrina Velarde, Frenchie Dy, Jason Dy, Jeremy Glinoga, Alexa Ilacad, Sheena Belarmino, at Fana. May pa-concert experience naman si Gary Valenciano kasama sina Maymay, AC Bonifacio, at Gela Atayde. Asahin rin ang pasabog na performance mula sa pop groups na BGYO, YARA, at VXON.

Abangan rin ang super divas prod nina Angeline Quinto, Sheryn Regis, Kyla, Bituin Escalante, Jona, at Katrina, maging ang duets prod kasama ang champions na sina Erik, Yeng Constantino, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Jed, at Kyla.

Samantala, maghanda rin sa iba pang pagtatanghal kabilang ang collab prod ni Regine at KZ Tandingan, mga solo act nina Kim at Joshua Garcia, hip hop dance showdown, at ang nakakabagbag-damdaming performance mula sa OPM icons.

Panoorin ang “ASAP” ngayong Linggo, 12 NN, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide sa TFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.