News Releases

English | Tagalog

"FPJ's Batang Quiapo" magbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon

January 20, 2025 AT 03 : 43 PM

As the series unravels its new chapter, viewers should expect shocking twists in the story wherein new characters will enter the picture in the coming episodes.

Bakbakan nina Coco at John, nagtala ng 8M views!

Nagbubukas na ang panibagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagsisimula ng ikatlong taong laban ni Tanggol (Coco Martin). Isang official poster ang inilunsad para dito at inaabangan na rin ang pag-anunsyo ng mga bigating artista na papasok sa serye. 

Maangas si Coco sa bagong poster na tampok ang iba’t ibang buwis-buhay at makapigil-hiningang mga eksena ng karakter niyang si Tanggol. 

Dapat abangan sa bagong yugto ang mas pinatinding mga sagupaan at rebelasyon kasabay ng pagpasok ng mga bagong karakter na maaaring maging panibagong kalaban o kasangga ni Tanggol sa kanyang mga maaaksyong laban. 

Nagpatikim na nga ang serye sa mga pasabog na komprontasyon sa kwento sa pamamagitan ng isang special plug na inilabas noong Linggo (Enero 19) kung saan nakakuha ito ng walong milyon view sa loob lamang ng 24 hours sa social media.

Gigil na gigil na ang netizens sa excitement para sa pinaka-inaabangang matinding bakbakan nina Tanggol at Rigor (John Estrada) sa kanilang muling paghaharap.

Samantala, sa ginanap na “Sinulog Festival Kapamilya Karavan” noong Enero 18, pinangunahan ni Coco ang pagpapasalamat sa mga tagasubaybay ng “FPJ’s Batang Quiapo” kasabay ng pagwawakas nito ng selebrasyon para sa ikalawang taong anibersaryo at paglunsad naman ng ikatlong taon sa ere.

Nakasama rin ang cast sa pag-iikot upang batiin ang mga Cebuano sa ginanap na Sinulog Float Parade kahapon.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang http://corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE