News Releases

English | Tagalog

Dance hopefuls, may nakakaiyak na mga kwento sa "Time To Dance"

January 21, 2025 AT 11 : 13 AM

Anim dance contenders, sasabak sa next round

 

Itinampok ng bagong dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios na "Time To Dance” ang mga kwento ng pagsasakripisyo at pagsusumikap ng mga miyembro ng local dance communities sa pilot episode noong Sabado (Enero 18).

Sa mediacon, binahagi ng New Gen Dance Champ na si Gela Atayde na gusto niyang maipakita ang realidad na kinakaharap ng local dancers.

“Here in “Time To Dance” I want to inspire kasi I had dance teammates who weren’t financially stable. That was when the realization hit me that I want to be able to help because I am privileged enough,” she said.

Samantala, binigyang-diin ng direktor ng World of Dance Philippines na si Vimi Rivera kung paano nagsisikap ang "Time To Dance" na ibida ang Filipino dance community.

“It’s not just a dance competition or a survival show na ang focus ay kung sino ang pinakamagaling. We’re trying our best to showcase the whole dance community para makita rin ng general public kung gaano kataas ‘yung art form and the hours that we give to improve our skills,” Coach Vimi said.

Napaluha ang dance council members na si World of Dance PH finalist Ken San Jose at celebrity choreographer na si Jobel Dayrit nang marinig ang kwento ng dance hopeful na si Marlon, na iginapang ang pagpapagamot sa kanyang tatay sa pamamamagitan ng pagsasayaw.

“My father got diagnosed with cancer. I came here to the Philippines to take care of him as well. I remember fighting for my life din on that stage just like what you did. You’re not alone, you give me hope,” sabi ni Ken kay Marlon.

Naging emosyonal naman si Robi nang ibinahagi ng dance hopeful at breadwinner na si Ron kung paano nagagawang pagsabay-sabayin ang pagiging dancer, family man, at small business owner. Hiling ni Robi na sana ay maging responsable rin siya tulad ni Ron kapag naging ama na siya.

Ibinahagi ng isa pang dance hopeful na si Paulo na tumigil siya pagsasayaw dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Naikwento rin ng mga batang mananayaw na sina Ice, Cheva, at Alex ang hirap sa pagbabalanse ng pag-aaral at pagsasayaw at kung paano binubuhay ni Cherry ang kanyang sarili matapos iwan ang pamilya na hindi suportado ang kanyang passion.

Matapos 1-minute dance routine, ang dance hopefuls na sina Ice, Cherry, Paulo, Alex, Ron, and Marlon ang naging bahagi ng 12 official dance contenders na uusad sa next round kung saan dadaan sila sa matinding training kasama sina Gela at champion dance coaches at ipapamalas ang kanilang angking galing sa dance challenges.

Sa susunod na Sabado, sampung hopefuls na naman ang makilala ng viewers. Alamin kung sino-sino sa kanila ang  kokompleto sa 12 official dance contenders. Abangan sa pinakabagong dance survival reality show na “Time To Dance” tuwing Sabado, 8:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, at TFC. 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.