News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, Hall of Famer Sa 7th Gawad Lasallianeta

January 28, 2025 AT 03 : 00 PM

ABS-CBN bagged a total of 19 awards, including the Hall of Fame award for winning Most Outstanding Media Company for five consecutive years, at the 7th Gawad Lasallianeta Awards held at De La Salle Araneta University (DLSAU) on 27 January.

ABS-CBN panalong Most Outstanding Media Company sa ika-limang taon
 
Tumanggap ng 19 na parangal ang ABS-CBN at kinilalang Hall of Famer sa ika-limang pagkapanalo nito ng Most Outstanding Media Company sa 7th Gawad Lasallianeta na ginanap sa De La Salle Araneta University (DLSAU).

Pinarangalan din ang batikang mamamahayag na si Rico Hizon ng Green Zeal for Excellence—ang pinakamataas na parangal mula sa DLSAU na iginagawad sa mga natatanging Lasallian communicator.

Kinilala rin ang box-office queen na si Kathryn Bernardo at naiuwi nito ang Most Influential Celebrity at Most Outstanding Film Actress na mga parangal. Ang “Hello, Love, Again” naman ay pinarangalan ng Most Outstanding Filipino Film.

Itinanghal na Most Outstanding Variety Show ang “It’s Showtime” habang si Vice Ganda ay nagwagi bilang Most Outstanding Variety Show Host.

Pinarangalan din si Argus Aspiras bilang Most Outstanding Child Star para sa “High Street.”

Kinilala rin si Donny Pangilinan bilang Most Outstanding Actor in a Drama Series para sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love.”

Si Jodi Sta. Maria ay nanalo rin bilang Most Outstanding Actress in a Drama Series para sa action-revenge series na “Lavender Fields.”

Pinarangalan si Melai Cantiveros bilang Most Outstanding Comedienne para sa kanyang Bisaya talk show na “Kuan On One.”

Samantala, kinilala ang BINI bilang Most Outstanding OPM Artist dahil sa kanilang record-breaking success at malaking impluwensiya sa local music scene. Tinanggap din ng BGYO ang Lasallian’s Choice na parangal.

Sa larangan ng pagbabalita, itinanghal ang ABS-CBN News bilang Most Outstanding Online News Media, habang ang flagship news program nitong “TV Patrol” ay nagwagi bilang Most Outstanding News Show.

Tumanggap din ng pagkilala ang mga batikang mamamahayag na sina Doris Bigornia at Alvin Elchico at pinarangalang Most Outstanding Digital Radio Show and Broadcasters.

Nagwagi rin si Pia Gutierrez, reporter ng ABS-CBN News, bilang Most Outstanding Female News Correspondent.

Ang Gawad Lasallianeta ng DLSAU ay kinikilala ang mga natatanging personalidad at public communicators sa bansa. Ang mga nagwagi ay base sa resulta ng university-wide survey na kinakalahokan ng DLSAU administrators, staff, mga guro, magulang, at estudyante.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.