Makwelang kwentuhan at nakaaaliw na apat (4) na bagong programa para sa kabataang Pinoy tungkol sa mental health at pagpapahalaga sa sarili ang hatid ng National Council for Children’s Television (NCCT) at Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) simula ngayong Martes (March 11) sa Knowledge Channel.
Tampok sa Knowledge Channel ang bagong shows na “Lakbay Isip,” “Tropa Peeps,” “OK AKO,” at “Friendship Puzzles,” katuwang ang National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV), na mapapanood tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Ayon kay KCFI President at Executive Director Rina Lopez, layunin ng mga programang ito na gawing mas malapit sa puso ng kabataan ang mahahalagang usapin sa tulong ng makabuluhang sanib-pwersa ng KCFI at NCCT.
Aniya, “These programs of NCCT Originals align with our mission to provide educational and enriching content that helps young people navigate life's complexities."
Alamin kung paano naapektuhan ng pandemya ang social life ng mga kabataan dahil sa mga lockdown at matutuhang malayang ipahayag ang sarili sa “Lakbay Isip” at tuklasin ang mga kwentong magliligtas sa magkaibigan mula sa masamang epekto ng pang-aabusong sekswal sa ‘Tropa Peeps.”
Samantala, maka-relate sa masayang batuhan ng spoken word poetry tungkol sa mental health sa “OK AKO,” at sumama sa kwentuhan ng barkada tungkol sa sanhi at lunas sa mental health, depression, panic attack, at anxiety sa “Friendship Puzzle.”
Huwag palampasin ang mga palabas na ito sa Knowledge Channel na available sa digital free TV, cable, direct-to-home satellite DTT, at iWantTFC.
Para sa iba pang updates patungkol sa KCFI at sa mga adhikain nito, bisitahin ang official website nitong
www.knowledgechannel.org o i-follow ang @knowledgechannel sa Facebook, @kchonline sa X pati @knowledgechannelofficial sa TikTok.
Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
corporate.abs-cbn.com/newsroom.