News Releases

English | Tagalog

MUP 2023 at Sparkle artist na si Michelle Dee, naglunsad ng debut single na "Reyna" mula sa partnership ng ABS-CBN Music at GMA

March 07, 2025 AT 10 : 07 AM

Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee delivers an empowering message in her debut single "Reyna."

Empowering anthem mula sa beauty queen
 
Pinasok na ni Miss Universe Philippines 2023 at Sparkle artist na si Michelle Dee, aka MMD, ang music scene sa pamamagitan ng kantang “Reyna” mula sa groundbreaking partnership ng ABS-CBN Music at GMA. 
 
Lakas ng loob at tiwala sa sarili ang ibinibida sa kanta ni MMD na inilunsad ngayong Women’s Month.                                                                                                                                                         
“I can’t wait for everyone to hear what we’ve been working on,” sabi niya tungkol sa proyekto na talaga namang pinaghandaan at umabot sa halos one year in the making. 
 
Isa lamang ang host-actress sa aabangang Kapuso singers na maglalabas ng musika mula sa exciting partnership ng ABS-CBN Music at GMA.  
 
Naghihikayat ang dance-pop single na “Reyna” sa music listeners na magtiwala sa sariling kakayanan at kagandahan, tampok ang linyang “ako ay isang reyna, reyna, reyna, REYNA! Lakas loob ang aking korona.” 
 
Naniniwala si MMD na maraming makaka-relate sa mahalaga at positibong mensahe ng bagong anthem. Nakibahagi siya mismo sa creative process ng kanta na isinulat ni Angelica Tagadtad at prinodyus ni ABS-CBN Music overall creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at StarPop label head Roque “Rox” Santos. 
 
Napapakingan na ang “Reyna” single ni MMD sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookX (Twitter)InstagramTikTok, at YouTube.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom