Charo Santos-Concio, multi-awarded media executive and actress, was recently honored with a Parangal ng Sining Lifetime Achievement award by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) for her invaluable contributions to the country’s film industry.
Award-winning na aktres, producer, at Kapamilya media executive
Ginawaran ng Parangal ng Sining Lifetime Achievement award ang multi-awarded actress at executive na si Charo Santos-Concio ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa kanyang huwarang kontribusyon sa industriya ng pelikula sa bansa.
Kinilala ang dating presidente at CEO ng ABS-CBN para sa kanyang husay at kontribusyon sa industriya.
"Her remarkable journey—from a celebrated actress to a pioneering producer and transformative media executive—has redefined storytelling and elevated Filipino cinema to new heights. Her legacy continues to inspire and empower generations of filmmakers and audiences, both locally and on the global stage," ayon sa social media post ng FDCP.
Ang head ng ABS-CBN Entertainment Production at Star Magic na sj Laurenti Diyogi ang nagpresenta ng parangal para kay Charo.
Unang naging bahagi ng ABS-CBN si Charo noong 1987 bilang production consultant. Naging presidente si Charo ng ABS-CBN noong 2008. Tumanggap din siya ng ilang pagkilala tulad ng 2019 FAMAS Lifetime Achievement Award, 2014 Gold Stevie Award sa Female Executive of the Year in Asia, Australia, o New Zealand category, 2014 Gold Asia Pacific Stevie Award sa Woman of the Year category para sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea), at 2013 Lifetime Achievement Award sa 21st Golden Dove Awards.
Inaabangan na rin ang pagbabalik ng “MMK” sa Abril 24 na unang ipapalabas ang kwento ng buhay ni Tawag ng Tanghalan" alum at "The Voice USA" season 26 winner Sofronio Vasquez.
Ang FDCP ay ang national film council na gumagawa ng mga programa at polisiya na tumutulong maiangat ang antas ng pelikulang Pilipino.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.