Robi at Melai, ginamit ang kanilang golden buzzer sa unang weekend ng PGT...
Hinirang bilang kauna-unahang golden buzzer ang 31-member dance group na Femme MNL matapos nila mapabilib ang hosts na sina Melai Cantiveros at Robi Domingo kaya naman napili nilang gamitin ang kanilang golden buzzer sa grupo sa ikalawang episode ng Pilipinas Got Talent Season 7 noong Linggo (Marso 30).
Ayon kay Melai, napagdesisyunan agad nila na ipagkaloob ang Golden Buzzer sa unang limang segundo pa lang ng performance ng grupo matapos makita ang synchronized movements grupo at pulido nilang dance performance.
Hindi lang mga host ang napabilib ng grupo pati na ang mga hurado na sina Freddie "FMG" M. Garcia, Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo sa grupo. World-class umano ang performance nila ayon kay FMG, habang pinuri nina Donny at Kathryn ang kanilang passion sa pagsasayaw. Samantala, nagbigay pugay si Eugene sa grupo dahil sa pagtataas ng bandera ng LGBT.
Ang Golden Buzzer" ay isang special privilege ng apat na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis. Isang Golden Buzzer lang ang pwedeng gamitin ng bawat judge at hosts sa buong auditions. Ngayong binigay na nina Robi at Melai ang kanilang Goden Buzzer sa Femme MNL, apat na passes na lang mula sa judges ang pwedeng makuha ng auditionees na magbibigay daan sa kanila patungong live shows.
Pinuri rin ng netizens ang “PGT” dahil sa pagbibigay nito ng spotlight sa isang LGBT couple na sumuporta sa kanilang anak kasama ang grupo nitong Bini Mini. Naantig ang mga hurado at manonood matapos ibahagi ni Bini Mini Belle ang pagmamahal nito sa kanyang “two loving fathers.”
“I can’t believe we’re in an era where different kinds of parent dynamics are fully represented on national TV—no shame, no discrimination, just love and acceptance. There’s still a long way to go, but I’m so happy,” sabi ng Facebook user na si John Ray Pugoy.
Bukod sa mga kahanga-hangang performances, mas nakilala rin ng mga manonood ang mga hurado sa kanilang off-stage conversations. Ibinahagi ni Kathryn na nakikita niya ang kanyang sarili sa mga batang miyembro ng Bini Mini, habang si Eugene naman ay nagkwento tungkol sa kanyang pangarap na maging isang artista simula pagkabata. Samantala, nai-kwento naman nina Donny at FMG na bago sila mapasok sa showbiz ay nagbenta sila ng load at pagkain noong kabataan nila.
Dahil sa mga nakakatuwang at nakaka-inspire na kwento, mainit na tinanggap ng mga manonood ang pilot episodes ng “Pilipinas Got Talent,” na nakakuha ng 275,424 peak concurrent viewers noong Sabado at 246,593 viewers noong Linggo.
Abangan ang iba pang nakakamanghang performances sa
“Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.
Huwag kalimutang i-follow ang @abscbnpgt sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang updates.
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.