"MMK" returns with the life story of Sofronio Vasquez.
Pagbibidahan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta
Tampok ang buhay at mga pinagdaanan ni "The Voice USA" season 26 champion Sofronio Vasquez sa pagbabalik at unang episode ng “MMK” ngayong April 26 (Huwebes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Gaganap bilang Sofronio ang multi-awarded actor na si Elijah Canlas, habang muling mapapanood si Romnick Sarmenta bilang ama ni Sofronio, na siyang bumida rin sa pinaka-unang episode ng “MMK” na pinamagatang “Rubber Shoes” noong 1991.
Isasabuhay ni Elijah ang kwento ng pagpupursige ni Sofronio na tahakin ang landas ng musika sa kabila ng kagustuhan ng kanyang ama na siya ay maging dentista.
Sa kabila ng sunod-sunod na kabiguan at ang biglaang pagpanaw ng kanyang ama, muntik nang sumuko si Sofronio sa kanyang pangarap. Makalipas ang ilang taon, hindi pinalagpas ni Sofronio ang oportunidad na makasali sa “The Voice USA” Season 26, kung saan nakatanggap siya ng standing ovation at four-chair turn mula kina Michael Bublé, Gwen Stefani, Queen Reba McEntire, at Snoop Dogg.
Samantala, makakasama naman ni Elijah at Romnick sa unang episode ng pagbabalik ng “MMK,” sa direksyon ni Theodore Boborol at panulat ni Chie Floresca, sina Janice de Belen, Yves Flores, Lui Manansala, Dustine Mayores, at Sean Tristan.
Eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” o buong bersyon ng bawat episodes tampok ang director’s cut at mga eksenang mas malalim na tatalakay sa mga kwentong bibida bawat linggo.
Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 48 hours in advance. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, at YouTube.
Para sa ibang updates, bisitahin ang mmk.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.