News Releases

English | Tagalog

Debut single ni Jarea, alay para sa mga nangungulila

May 26, 2025 AT 09 : 51 AM

Song tribute para sa kanyang namayapang ina

Madamdaming kwento tungkol sa pangungulila ang ibinahagi ng bagong Kapamilya singer na si Jarea sa kanyang unang single na “Kailan Pa?

Isinulat niya ang awitin bilang tribute sa kanyang yumaong ina noong 2021. Sa pamamagitan ng musika, nais niyang ipalaala sa mga taong nakaranas ng pangungulila na hindi sila nag-iisa.

“Gusto ko lang kumanta para sa grieving hearts katulad ko kasi I know how heavy it is to carry silent pain. Minsan isang kanta lang ang kailangan natin para maramdaman mong may nakakaintindi sa atin,” saad niya sa kanyang Instagram post.

Iprinodyus ni Moophs ang folk-soul na awitin na debut offering ni Jarea sa ilalim ng Tarsier Records. Unang ipinarinig ng singer-songwriter ang kanta sa naganap na Pinoy Media Congress 2025 sa University of Makati kung saan hinarana niya ang mahigit 1,000 estudyante at guro mula sa iba’t ibang kolehiyo.

Mula sa kanyang classical piano foundation ipinamalas ni Jarea ang talento sa songwriting nang isulat niya ang Himig Handog 2020 entry na “Pahina.” Naging bahagi rin siya ng “Idol Philippines” season 2 kung saan nakasama siya sa top 20 finalists.

Damhin ang mensahe ni Jarea sa bagong awitin na “Kailan Pa?” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.