ABS-CBN News is set to mount a comprehensive special coverage with real-time updates and in-depth analysis of this year’s midterm election through its round-the-clock “Halalan 2025 Marathon Coverage,” airing on Kapamilya Channel, A2Z and ANC starting 5:00AM of May 12 (Monday) until May 13 (Tuesday).
Mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, at ABS-CBN News digital platforms
Buong pwersa ang ABS-CBN News na magbabantay sa mga pangyayari sa araw ng midterm elections, bawat oras mula botohan hanggang bilangan, sa “Halalan 2025" marathon coverage ngayong Mayo 12 hanggang Mayo 13 sa Kapamilya Channel, A2Z at ANC.
Ihahatid ng “Halalan 2025" special coverage ang real-time updates, breaking news, at election analysis sa mga Pilipino saan man sa mundo sa “ABS-CBN News” at “ANC 24/7” channel sa YouTube at sa iba pa nitong digital platforms sa Facebook, X, Instagram at TikTok.
Mangunguna sa paghahatid ng mga pinakamaiinit na balita at pagsulong ng katotohanan ang ilan sa mga batikang mamamahayag sa bansa na sina Noli “Kabayan” de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, Jeff Canoy, Zen Hernandez, Adrian Ayalin, Tony Velasquez, Karmina Constantino, Ron Cruz, at Rico Hizon.
Kasama rin sina TJ Manotoc, Stanley Palisada, Denice Dinsay, Michelle Ong at Migs Bustos.
Magpapatrol din ang ABS-CBN News reporters sa iba’t ibang sulok ng bansa para ihatid ang unang bugso ng mga resulta sa bilangan ng boto hanggang sa proklamasyon ng mga kandidato.
Nitong Enero, nakipagsanib-pwersa ang ABS-CBN News sa 30 ahensya ng gobyerno, media partners, research agencies, poll watcher organizations, at ilang unibersidad para sa Halalan 2025 coverage at panawagang malinis at tapat na eleksyon.
Ipalalabas naman ang tuloy-tuloy na pagbabantay ng Halalan 2025 sa ABS-CBN News sa YouTube kabilang na ang ABS-CBN News Facebook, Tiktok, at X accounts (@ABSCBNNews). Mapapanood din ito sa A2Z, Kapamilya Channel, at ABS-CBN News Channel (ANC) sa Youtube.
Maaari namang subaybayan ang iba pang pangyayari at resulta ng midterm elections sa “Halalan” page ng official ABS-CBN.com website.
Para sa ibang Kapamilya updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.