News Releases

English | Tagalog

BGYO, hopeless romantic sa bagong awitin na "All These Ladies"

June 19, 2025 AT 09 : 02 PM

Magpapa-ibig sa kanilang bagong music video
 
Handa nang magpa-ibig ang BGYO sa kanilang bagong dance-pop single tungkol sa pagiging hopeless romantics na pinamagatang “All These Ladies” na inaalay nila para sa lahat ng mga kababaihan. 
 
Makikita rin ang fresh look ng BGYO members na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate sa official music video ng kanta na napapanood na ngayon sa BGYO Official YouTube channel. 
 
Handog ng ABS-CBN Music International ang “All These Ladies” na sumailalim sa recording habang ang grupo ay nasa Los Angeles sa Amerika noong Agosto 2024. 
 
Nagmula ito sa panulat nina BGYO Mikki, BGYO Nate, Ron Robinson Jr., at Ebonie Smith kasama sina Greg Shilling at Stephen Santa Teresa na nagprodyus din ng awitin katulong si Brian Kierulf. 
 
Sinusundan ng “All These Ladies” ang paglunsad ng “BGYO” EP noong Marso tampok ang key track nito na “Divine.” 
 
Samantala, kamakailan ay kinilala ang BGYO bilang Group Performer of the Year sa 6th VP Choice Awards at naging bahagi rin ng Rising Class of 2025 ng Billboard Philippines. 
 
Makakasama sila sa "Dream Warrior" concert ng BOSSCKM sa Sphere Hall, Emsphere sa Bangkok sa darating na Hulyo 5 (Sabado). Nakatakda naman nilang pangunahan ang “TFW” event ng MYX sa Riviera Theatre sa Chicago sa darating na Agosto 16 (Sabado). Bukod, dito ka-abang-abang din ang magiging performance nila sa “Summer Sonic Bangkok” 2025 sa Agosto 23 (Sabado) at sa “ASAP England” sa Agosto 30 (Sabado). 
 
Napapakinggan na ang “All These Ladies” single sa iba’t ibang music streaming platforms worldwide. Para sa karagdagang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa FacebookXInstagramTikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel, BGYO Official

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE