News Releases

English | Tagalog

"My Love Will Make You Disappear," nangungunang pelikula sa Netflix PH, UAE, and Qatar

July 12, 2025 AT 10 : 36 AM

Kim Chiu at Paulo Avelino, patok sa Netflix
 

 
Nangunguna ang romantic-comedy film ng Star Cinema na "My Love Will Make You Disappear," na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, sa Netflix Philippines, United Arab Emirates, at Qatar matapos nitong maging available sa streaming platform noong Hulyo 10.
 
Nakakuha din ito ng mataas na ranking sa iba't ibang bansa, kung saan umabot ito sa #4 sa Kuwait at Bahrain, #5 sa Hong Kong, at #6 sa Singapore.
 
Umikot ang kuwento kay Sari (Kim Chiu), isang babaeng naniniwala na may sumpa siyang nagiging dahilan ng pagkawala ng mga taong minamahal niya, at Jolo (Paulo Avelino), isang lalaking broken hearted na gusto na lang mag-disappear.
 
Kumita rin ang "My Love Will Make You Disappear" ng ₱173 milyon sa worldwide screening nito.
 
Pinangunahan ng director na si Chad V. Vidanes ang "My Love Will Make You Disappear," na hango sa kuwento ni Prime Cruz at screenplay nina Patrick Valencia at Isabella Policarpio. Kasama rin sa pelikula sina Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Nico Antonio, Migs Almendras, Martin Escudero, Karina Bautista, Jeremiah Lisbo, Melai Cantiveros, Peewee O'Hara, Rufa Mae Quinto, Bernard Palanca, at Jennica Garcia.
 
Para sa iba pang mga detalye, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X, Instagram, YouTube, at TikTok. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE