News Releases

English | Tagalog

Buhay ng emergency doctor, tampok sa “Red Alert”

March 19, 2019 AT 05 : 57 PM

After showing us the courage and dedication of a firefighter and an emergency responder, anchor Jeff Canoy shines the light on the life of an emergency room doctor as “Red Alert” continues its month-long celebration of its fifth anniversary.

“Red Alert” ng ABS-CBN, limang taon na

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-limang anibersaryo ng “Red Alert,” muling ipapakita ni Jeff Canoy ang estado ng emergency at rescue sa Pilipinas sa kanyang pagsunod sa buhay ng isang emergency room doctor sa Tondo, Manila.

Araw-araw, mayroong buhay na nakasalalay sa kamay ng 40-anyos na si Dr. Leila Narag ng Tondo Medical Center.  Madalas na takbuhan ang ospital ‘di lang ng mga taga-Maynila kundi ng mga nasa katabing lugar, kaya laging maraming pasyente roon at minsan, siya na rin ang nag-iikot para magabayan ang mga pasyente sa pediatric ward ng ospital.

Mahalaga para sa kanya ang propesyon bilang emergency doctor dahil sa kanyang ‘di malilimutang karanasan nang maospital ang kanyang ama noong bata pa siya.

Aalamin ni Jeff kung paano niya naibibigay ang buong puso sa kanyang trabaho pero nagagampanan pa rin niya ang mga responsibilidad niya bilang ina.

Unang napanood ang “Red Alert” sa ABS-CBN noong Marso 2014. Layunin ng programa na armasan ng kaalaman ang mga Pilipino sa pagiwas at pagharap sa aksidente o sakuna, dulot man ng tao o ng kalikasan. Sa unang dalawang linggo ng Marso, nasaksihan din ng mga manonood ng ang hirap at peligrong hinaharap ng ating mga bombero at emergency responder.

Samahan si Jeff sa ikatlong espesyal na handog ng “Red Alert,” sa ika-lima nitong anibersaryo, 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Manood  online saskyondemand.com.ph o sa iwant.ph. Sundan ang @RedAlertABSCBN sa Facebook at @ABSCBNRedAlert sa Twitter. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE