ABS-CBN expresses its gratitude to its audience by airing a series of special tributes to the Filipino people within “TV Patrol,” featuring the stories of Filipinos whose values, character, and triumphs have inspired the Kapamilya network through the years.
65 taong naglilingkod sa mga Pilipino…
Magbibigay-pugay ang ABS-CBN sa manonood at tagapakinig nito sa pamamagitan ng isang serye ng video tampok ang kwento ng mga Pilipinong nagpapakita ng magandang asal, katatagan, at karakter sa kanilang buhay at naging inspirasyon ng Kapamilya network sa mga nagdaang taon.
Ibinahagi ang isa sa unang tatlong 'tribute video' sa “TV Patrol” kagabi (Marso 27) at sa ABS-CBN Entertainment YouTube bilang parte ng selebrasyon ng network sa 65 taong paglilingkod sa mga Pilipino.
Tampok doon si Ryan Canda, isang talent show contestant na ipinanganak na may “cleft palate.” Dahil sa kapansanan, nagpursige siyang linangin ang talento sa pagsasayaw, kung saan hindi kailangan ang pananalita at para makaiwas sa pangungutya ng iba. Unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap, lalo na ng umabot sa The Cut Round ang kanyang grupo sa “World of Dance Philippines.”
Samantala, si Enrique Vista naman ay isang person with disability (PWD) na hindi sapat ang kinikita para sa pamilya. Pangarap niyang mailabas ang misis na si Rowena at sa pamamagitan ng pagsali sa “Once Upon A Heart” contest sa DZMM, napanalunan niya ang matagal nang inaasaman na romantic date kasama ang kanyang mahal.
Isang masigasig na “Kapamilya” fan naman si Anthony Bendo, na sa kanyang mga paboritong drama at teleserye humuhugot ng lakas, tapang, at inspirasyon para magpursige sa pag-aaral at pagta-trabaho,
Ipinakilala ng ABS-CBN, isang kinikilalang broadcast pioneer sa bansa, ang teknolohiya ng telebisyon sa Pilipinas noong 1953. Noong 1967, ibinahagi ng unang chairman ng ABS-CBN na si Eugenio “Geny” Lopez Jr. ang motto ng ABS-CBN na “In the Service of the Filipino,” na patuloy na pinaninindigan ng network at mga empleyado nito.
Kasalukuyang naglilingkod ang ABS-CBN sa publiko sa pamamagitan ng free television, digital terrestrial television, radyo, cable, musika, mga publikasyon, internet content and services, live events, recreation parks at sa pagsuporta sa sports. Marami rin adbokasiya at programa ang ABS-CBN na nakakatulong sa pagprotekta at pangangalaga sa mga bata, kalikasayan, at kalusugan ng bayan; sa pagbibigay o pagtuturo ng pagkakakitaan sa mga Pilipino at pagsaklolo at paghahatid ng ayuda sa mga nangangailangan. Nagsisilbi na rin ngayon ang ABS-CBN sa lahat ng Pilipino at sa buong mundo sa paghahatid nito ng magagandang palabas sa Asia, Africa, Europe at South America.
Samahan ang Kapamilya network sa pagsaludo sa mga minamahal na Kapamilya sa pagdiriwang ng ika-65 na anibersaryo ng ABS-CBN sa panonood ng mga video sa “TV Patrol” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Mapapanood rin ang videos sa ABS-CBN Entertainment YouTube. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa
abscbnpr.com.