News Releases

English | Tagalog

Kwento ng tagumpay ni Donnie Nietes, tampok sa ABS-CBN

April 25, 2019 AT 10 : 31 AM

Be inspired by the #KwentongKapamilya of Donnie Nietes, El Gamma Penumbra, and Hilmarie Nimo featured in tribute videos airing after “TV Patrol” this week as part of the network’s celebration of its 65th anniversary.

“El Gamma Penumbra,” naabot na ang pangarap

Malayo na ang narating ni Donnie “Ahas” Nietes na mula sa pagiging janitor ay pinakatanyag na bituin ngayon ng ALA Gym at pinakamatagal na kampeon ng Pilipinas sa mundo ng boksing.
 
Ibabahagi ni Donnie, na tubong Murcia, Negros Occidental, ang kanyang pagkamit sa tagumpay sa tribute video na ipapalabas sa ABS-CBN at ipo-post sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel kaugnay ng ika-65 na anibersaryo ng ABS-CBN.
 
Ikukuwento niya at ng kanyang mga kapamilya kung paano nagbago ang kanilang buhay sa patuloy niyang pag-angat bilang kampeon sa apat na dibisyon, na nasubaybayan nila at ng sambayanang Pilipino sa “Pinoy Pride” series at mga balita sa ABS-CBN.
 
“Masayang-masaya (ako) kasi nakapagbigay ako ng karangalan sa aming bayan at siyempre sa buong Pilipinas. Hanggat kaya ko magbibigay ako ng karangalan sa ating bansa. Proud ako na isang taga-Murcia ay nakilala sa buong mundo dahil sa ABS-CBN,” aniya.
 
Maliban kay Donnie, ibibida rin ang mga kwento ng pagsisikap at tagumpay ng shadow play group na “El Gamma Penumbra” at ang abogadang si Hilmarie Nimo.
 
Sa isang apartment nagsimula ang pangarap ng unang kampeon ng “Asia’s Got Talent” bago tuluyanng sumikat nang maging contestant at finalist sa “Pilipinas Got Talent” sa ABS-CBN. Dito na bumuhos ang mga guesting at nakasama rin sila sa kampanya para sa turismo ng Choose Philippines. Ngayon, nakatakda silang lumaban sa “World’s Got Talent” at sila naman ang nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga kabataang nangangarap ring makilala sa mundo.
 
Si Hilmarie naman, tiniyaga ang paglalakad ng tatlong oras makapagaral lang. Sa tulong ng ABS-CBN at Knowledge Channel, nagawang makatapos ng abogasya ni Hilmarie at naiahon na rin ang pamilya sa kahirapan.
 
Ma-inspire sa mga #KwentongKapamilya nina Donnie Nietes, El Gamma Penumbra, at Hilmarie Nimo na tampok sa tribute videos na eere ngayong Linggo pagkatapos ng “TV Patrol” at ipo-post sa e ABS-CBN Entertainment YouTube channel sa pagdiriwang ng 65 taong paglilingkod sa publiko ng ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang@abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa abscbnpr.com.