News Releases

English | Tagalog

Kiddie movies na "Rio 2,” “Night at the Museum: Secret of the Tomb," tampok sa Movie Central

April 05, 2019 AT 12 : 36 PM

Patok na mga pelikulang “Rio 2” at “Night at the Museum: Secret of the Tomb,” ang maghahatid ng saya sa mga kids ngayong Abril sa Movie Central ng ABS-CBN TVplus.  

 

Mapapanood ngayong Abril 6 (Sabado) ang sequel ng 2011 computer-animated film “Rio” na “Rio 2.” Samahan muli si Blu at ang kanyang lumalaking pamilya sa kanilang pakikipagsapalaran sa labas ng siyudad. Nasanay lamang sa bahay ng kanyang “amo” na si Linda, isang malaking pagsubok ang kakaharapin ni Blu nang mapagdesisyunan ng kanyang asawa na si Jewel na subukan manirahan kasama ang kapwa Spix Macaws sa Amazon.

 

Maaliw naman ang mga bata sa ikatlo and huling bahagi ng "Night at the Museum" trilogy na "Night at the Museum: Secret of the Tomb" ngayong Abril 13. Isang kakaibang misteryo na may kinalaman sa Egyptian section ng British Museum ang kailangan maresolba ni Larry (Ben Stiller) sa tulong ng museum exhibits na sina Pharaoh Ahkmenrah (Rami Malek), Teddy Roosevelt (Robin Williams), Attila the Hun (Patrick Gallagher), Sacajawea (Mizuo Peck), Roman centurion Octavius (Steve Coogan) at Jedediah (Owen Wilson). 

 

 

Samantala, kakalabanin naman ni Moses na gagampanan ni Christian Bale ang kapatid na si Ramses (Joel Edgerton) at tutulungang makatakas ang anim na daang libong slaves sa posibleng pagkamatay nila sa pelikulang "Exodus: Gods and Kings" ngayong Abril 20.

 

 

 

Apat naman na bagong mukha naman ang makikilala ng manonood sa 2015 American superhero film na "Fantastic Four" ng Marvel ngayong Abril 27. Pinagbibidahan nina Miles Teller, Michael B. Jordan, Kate Mara, at Jamie Bell, umiikot ang pelikula sa apat na teenagers na mapupunta sa isang kakaibang universe na babaguhin ang kanilang pisikal na anyo. Gamit ang bago nilang kakayanan, kailangan nilang hasain ito para magtulungan para ilagtas ang mundo sa isang dating kakampi na naging kaaway. 

 

Maari mapanood ang mga naturang pelikulang sa Movie Blowout ng Movie Central tuwing Sabado ng 9pm. 

 

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahinangwww.abscbnpr.com.