News Releases

English | Tagalog

"Sagip Pelikula" ng ABS-CBN, kinilala sa ibang bansa sa pag-aalaga ng kulturang Pilipino

July 19, 2019 AT 07 : 00 PM

Mas madali nang napapanood ang classic Filipino films ngayon at isa sa mga dahilan nito ay ang dedikasyon ng ABS-CBN sa pagpreserba ng mga obrang nagpapakita sa sining, kasaysayan, at husay ng pelikulang Pilipino sa bagong henerasyon.

Sa misyon nito na mapalapit ang mga kabataan sa kultura ng lumipas na panahon, inilunsad ng ABS-CBN ang “Sagip Pelikula” na naglalayong maipakilala ang mga klasikong pelikula sa bagong henerasyon ng mga manonood.

“Ipinakita ng Sagip Pelikula ang mga pagbabago sa mga dumaang henerasyon. Kung dati mga kwento lang ng magulang o lolo at lola natin, ngayon mas nararamdaman na ito. Magandang pagkakataon ang isang daang selebrasyon ng Philippines cinema para makapukaw pa ng interes ng tao,” pahayag ni Leo Katigbak, ang Head of Film Restoration.


Ang proyekto ay ang kauna-unahang sa Asya at kamakailan ay nanalo ng Award of Merit mula sa 2019 Gold Quill Awards na ginanap sa Vancouver, Canda.

Pinapalapit ng “Sagip Pelikula” ang mga millennials, na bumubupo ng halos kalahati ng populasyon ng bansa, sa mga classic Filipino movies. 

“Tingin ko ang pinakamalaking kapabayaan na magagawa natin ay ang hindi mabigyan ang susunod na henerasyon ng pagkakataong maalala at makilala ang nakaraan,” sabi ni Leo. “Mayroon tayong mga obrang kayang tumapat sa mga pelikula ng ibang bansa at responsibilidad natin sa creators nito na mapanatiling buhay ang kanilang mga obra upang makapagturo at maipagmalaki ng mga kabataan.”

Mula 2016, gumawa ng paraan ang “Sagip Pelikula” para iparating ang mensahe nitong pagpapahalaga ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Nariyan na ang paglunsad ng theatrical screenings, iTunes transactions, DVD sales, at pagpapalabas sa non-theatrical platforms gaya ng Channel 2, ang nangungunag free TV channel sa bansa, pati na rin Jeepney TV at Cinema One, ang mga nangunguna namang cable channels ng bansa.

Dahil sa “Sagip Pelikula,” naimbitahan rin ito na dalhin ang mga restored classics sa iba’t ibang international film festival kasama na ang Udine Film Festival sa Italy, Arsenal Institut Fur Filmin sa Germany, Tokyo International Film Festival, at ang Yerba Buena Center for the Arts Screening sa Amerika, at iba pa.

Sa tagumpay ng “Sagip Pelikula”, darami pa ang pagkakataon para mapanood ng mga Pilipino ang marami pang restored classic movies dahil nakipagtulungan ang ABS-CBN Foilm Restoration sa Ayala Malls para magkaroon ng sariling teatro sa Greenbelt Mall. Maglulunsad rin ng sariling theme song ang “Sagip Pelikula.”  

Mas maraming pelikula rin ang muling mapapanood sa pag-restore ng iconic films na “Ibong Adarna,” “Malvarosa,” at “Anak Dalita” ng LVN Pictures; “Misteryo sa Tuwa” at “Soltero” ng Experimental Cinema of the Philippines; at “Mga Bilanggong Birhen” ng Perlas Films. Bibigyang-buhay din muli ang mga obrang “Tisoy” and “Bad Bananas sa Puting Tabing” ni Ishmael Bernal, “Tinimbang ang Langit” ni Danny Zialcita, at “Saan Ka Man Naroroon” ni Carlitos Siguion Reyna.

Sa dedikasyong ipinapakita ng ABS-CBN na muling buhayin at ipakilala sa kabataan ang mga classic movies, mas lumalaki ang kasigurahan na manatili sa kamalayan ang sining at kuluturang bitbit ng Filipino classic films.
Para sa karagdagang impormasyon sa Sagip Pelikula at mga proyekto ng ABS-CBN Film Restoration, pumunta lamang sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).